Chapter 34
Tatlong mahihinang katok ang nagpaangat sa tingin ni Carson mula sa bunton ng mga papeles. Naroon sya sa maliit na kwarto kung saan nakalagay ang malaking photocopy machine at maingat na sinasalansan ang mga papeles.
"Hi, Ms. Carson."
She smiled.
"Hi, Janine." Bati nya dito.
Si Janine ang secretary ni Ms. Macaspac. She's a nice girl na kung hindi dahil dito, hindi magiging madali ang trabaho nya bilang assistant secretary. Ito rin ang kaisa-isang tumatawag sa kanya ng Ms. Carson kahit ilang beses na nyang sinabihan na first name basis na lang sila. Sumunod naman ito pero kapag silang dalawa lang ang magkausap, ganoon pa rin ang tawag nito sa kanya. "May utos si Ms. Macaspac?" she asked.
Umiling ito at tuluyang pumasok sa maliit na kwarto.
"Wala po. Pero may naghahanap po sa inyo."
She raised her eyebrows. Doon naman pumasok ang taong hindi nya inaasahang makita.
"Love!" agad na binitiwan nya ang papel na hawak at sinalubong ng yakap si Theo. "What are you doing here?"
"I wanted to see you." Smiling, he answered. Mukhang natuwa ito dahil successful ang pag-surprise nito sa kanya. "Pumunta ako sa bahay nyo kanina but your helper said you left early."
She nodded. "I have so much work to do." Then she hugged him again. "I'm so happy you're here! I miss you so much!"
"Sige na, Ms. Carson. Take your break, ako na ang bahala kay Ms. Macaspac." Janine said. Pareho nilang alam kung gaano kahigpit sa breaks ang boss nila. Mahirap na kapag nakita sya nito.
Kumalas sya sa pagkakayakap sa nobyo.
"Hindi nya ba nakita si Theo?"
The girl shook her head. "Nasa taas sya. Mukhang mamaya pa babalik. Kaya sige na. Basta bumalik lang po kayo agad."
"Oh, Janine! Thank you so much!" masayang niyakap nya ang babae. "Let's go, love."
The printer con photocopy room was at the far end of the hallway. Malayo ito sa production area kaya hindi sila makikita ng ibang tao. May ibang daan din palabas ng opisina nila. Naroon ito sa pantry. Sana lang ay walang tao sa pantry dahil hindi pa naman break time.
"Where are we going?" Theo asked.
"We're taking the other exit."
Somehow, this excites her. Iyong para silang may secret mission.
Lihim na napahagikhik ang dalaga sa naisip.
Theo knows her boss based on her stories. Naikwento na nya dito ang matandang dalaga. Madalas nga ay tungkol ditto ang mga kwento nya sa tuwing mag-uusap sila. Kaya alam ni Theo kung gaano kahigpit ang ginang sa mga protocol sa opisina.
Nakahinga sya ng maluwag nang makitang bakante ang pantry. Immediately, they went through the exit door and walked directly to the bank of elevators.
"This is exciting." Wika ng binata na mukhang kapareho nya rin ang excitement.
"Right?" she immediately pressed the down button and waited impatiently for the lift. She grabbed Theo's hand and held it for support. Kinakabahan sya na baka bumalik na si Ms. Macaspac at abutan sila doon
Pero may time talaga sa buhay na mamalasin ka.
Maya-maya lang, bumukas ang katabing elevator at lumabas doon ang taong pinakainiiwasan ni Carson na makita. Agad na kumunot ang noo ni Ms. Macaspac nang makita sya nito at tumingin sa orasang pambisig. Pagkatapos ay lumipad ang mga mata sa kasama nya.
BINABASA MO ANG
Love Me Again
Romance"Napakaunfair mo." Sabi ni Carson. "You asked me to marry you. Kaya nga tinanong kita noon kung sigurado ka ba. I've been there, Theo. Alam mo iyon. I've been left behind. I trusted you when you said you will not do the same thing. You just asked me...
