Chapter 28

305 17 13
                                        

Someone commented that it's already been a month since the last update. Sorry na. I lost track of time. Busy sa totoong buhay. Anyway, I hope you like this chapter. No edit or whatsoever. Intindihin nyo na lang. Kaya nyo na yan hahaha

********************************

Chapter 28


"God, I'm so tired!" wika ni Carson saka sumalampak sa couch.

Ganun din ang ginawa ni Emma at naupo sa tabi nya. Kakatapos lang nila ilagay sa mga kahon ang bulk orders ng dalawang customers. Mamayang hapon kasi ay kukunin na ito ng isa sa mga truck nila.

"Ang sakit ng likod ko. Dala na siguro 'to ng edad." Reklamo ng kaibigan.

"Baka nga."

"Hindi man lang ako kinomfort. Anong klaseng kaibigan ka?"

Natawa si Carson. "Okay na yun. Love naman kita."

Umirap lang si Emma na lalong nagpatawa kay Carson.

"By the way, tumawag kanina yung school nyo ni Tupe. Ngayon ko lang naalala sabihin sayo. Nagreremind about sa reunion nyo."

Napabalikwas ang dalaga dahil sa narinig. "Shit! How can I forget that? Next week na nga pala yun! Wala pa akong damit."

Emma rolled her eyes. "Eh di bibili tayo. That's not even a problem. Gusto mo lumabas na tayo ngayon para maghanap ng pwede mong isuot."

And just like that, they decided to go out. Meron silang go-to shop na pag-aari ng isang kilalang designer. May shop ito sa mall na malapit lang sa office nila.

"What's your homecoming theme by the way?" Emma asked while they were walking to the mall. Dahil malapit lang naman iyon, hindi na sila nagdala ng sasakyan.

"Hollywood Vintage. I'm thinking of dressing up like Audrey Hepburn." Sagot ng dalaga.

"Ah, the iconic black dress! That's perfect." Emma exclaimed. "Is Tupe coming?"

Carson shrugged. "I'm not sure. The last time I saw him was two weeks ago. I just heard from dad that he flew back to Australia the other day. May aasikasuhin daw na mga papers for their business."

"He's that busy huh?"

"Yeah. But I'm already expecting him to miss the homecoming. Medyo pinilit ko lang naman sya na ilista doon para in case makapunta sya, there's a spot for him."

Tumango-tango ang kaibigan. "Too bad. Wala ka palang escort." Emma said.

"Okay lang naman. I can party alone. Besides, excited din akong makita yung mga grade school classmates namin."

"I know you can go there alone. But of course, hindi maiiwasan yung bidahan ng mga asawa at boyfriend sa usapan."

Natawa si Carson. "And that would still be the case even if Tupe's there. Hindi ko rin naman sya boyfriend."

"But at least you will be there with someone. Ah!" biglang nagliwanag ang mukha ni Emma. "Why don't you ask Theo? Isama mo sya."

"Naku, lalong ayoko. Busy yung tao, ayoko naman abalahin sya." She answered. "Besides, ang panget naman na parang aayain ko sya na maging date sa homecoming. Ayoko."

"Susubukan lang naman eh."

"Nope."

They entered the mall and went directly to the upper floor where the shop is located. Agad silang sinalubong ng store manager na eksakto namang naroon sa counter nang mga oras na iyon. Agad sila nitong inasikaso at naglabas ng ilang damit na pwedeng pagpilian ni Carson.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon