Chapter 47
Medyo naging maayos naman ang pakiramdam ni Carson kinabukasan. Masyado lang naging mataas ang emosyon nya kahapon at dumagdag iyon sa sama ng kanyang pakiramdam. Pero pagkagaling nya kahapon sa ospital ay hindi sya sa opisina dumiretso. Dumaan na lang sya sa malapit na grocery store at bumili ng mga pagkaing sinabi ng doctor.
She bought a bunch of fruits and vegetables. Pati na rin ang mga gatas at vitamins na kailangan nyang inumin. Gusto nyang masiguro na magiging healthy ang baby nya.
Hindi pa sinabi ng dalaga sa pamilya nya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis. Sigurado kasi na sa oras na malaman ng mga ito, makakarating iyon kay Theo. Kapag naman sinabi nyang huwag muna babanggitin sa binata, they will surely ask questions. And the last thing she wanted to do is give an explanation. Pagod ang utak nya sa pag-iisip at gusto nya munang ipahinga iyon.
Mukhang wala naman nahahalata ang pamilya nya. Sanay din naman kasi ang mga ito na naggo-grocery sya. Mahilig na rin ang dalaga sa prutas at gulay kahit dati pa kaya naging normal lang para sa mga ito ang uri ng pagkain nya.
Pagdating naman sa mga gatas, inilipat nya iyon sa iba't ibang container na katulad ng mga naroon na sa kitchen nila. For aesthetic purposes iyon dati. Ngayon ay mas naappreciate nya iyon dahil kahit paano ay naging mas madali para sa kanya na idispatsa ang mga lata ng gatas na binili nya. For her vitamins, she kept them in the mini fridge inside her room. Dati ay hindi nya iyon ginagamit pero ngayon, nagkaroon ang purpose ang maliit na ref nya para paglagyan ng vitamins nila ng baby.
She heaved as sigh and caressed her flat tummy.
She doesn't want to keep her baby from everyone. It was far from her intention. But as of now, she doesn't have the strength to explain their situation to every people she knows. Ayaw nyang malaman ng iba ang nagiging problema nila ni Theo. It's between the two of them. Ayaw nyang maging apektado ang mga tao sa paligid nya oras na umabot sa kaalaman ng mga ito ang nangyayari. For sure, her parents would do something about it. At makakadagdag pa iyon sa iisipin nya.
A knock from her door awakened her senses. Umayos ng upo si Carson sa kanyang swivel chair habang hinihintay na makapasok ang kumatok.
A smile crept on her face when she saw Emma peaked in.
"Busy?" tanong nito.
She shook her head. "Come in."
Pumasok ang kaibigan nya at lumakad papunta sa tapat ng kanyang mesa. She took the visitor's chair.
"Kumusta ka?"
"I'm feeling better. Thank you for the help yesterday, bes."
"You're welcome. Mabuti na rin na sinunod mo ang payo ko na magpahinga ka kahapon."
Tumango si Carson.
"Nasabi mo na ba kay Theo?"
Nag-iwas ng tingin ang dalaga at saka umiling.
She pretended to be checking something on her computer. Pero mula sa peripheral view nya, kita nya ang nagdududang tingin ni Emma. Papasa talagang imbestigador itong kaibigan nya sa lakas ng pakiramdam.
"Magsabi ka nga ng totoo sakin, bes. Okay lang ba talaga kayo?"
Hindi nya ito tiningnan, ni hindi sya sumagot. Naroon na naman ang unti-unting pagsikip ng paghinga nya at ang napipintong pagbagsak ng luha. Epekto na ba iyon ng pregnancy hormones nya?
"I knew it." Wika ni Emma na mukhang nakuha na ang sagot na hinahanap. "What did he do? Niloloko ka ba nya? Kakalbuhin ko talaga ang lalaking yon!"

BINABASA MO ANG
Love Me Again
Romantik"Napakaunfair mo." Sabi ni Carson. "You asked me to marry you. Kaya nga tinanong kita noon kung sigurado ka ba. I've been there, Theo. Alam mo iyon. I've been left behind. I trusted you when you said you will not do the same thing. You just asked me...