Chapter 48

415 20 8
                                        

Chapter 48

Marahang tumayo si Theo mula sa one-seater sofa para ayusin ang kumot ni Bianca. Nakatulog na ito matapos turukan ng pamkakalma ng doctor.

She just had one of her episodes.

Kitang kita sa mga braso nito ang mga kalmot mula sa pagwawala nito kanina. Kahit nga sya at ang daddy nito ay nagkaroon din ng kalmot sa braso.

Siniguro muna ni Theo na mahimbing na ang tulog ni Bianca bago sya nagdesisyong lumabas sa hospital room nito. Natutulog na rin ang mga magulang ng kaibigan nya sa sofa bed at visitor's bed na naroon din sa suite.

Maingat nyang binuksan ang pintuan ng kwarto at lumabas.

Ganoon na lamang ang awa na naramdaman ng binata nang makita nya sa bench ng hallway si Carson. Nakatulog na rin ito doon. She was lying on her side, in fetal position. Nakahiga ito ng patagilid para lang pagkasyahin ang sarili sa bench na pang-apatang tao ang haba.

He didn't know that she stayed.

Sa tagal nya doon sa loob ng suite ni Bianca, he would understand if she just decided to go home instead of waiting for him. But she stayed. Tila may pumiga sa puso nya nang maalala ang naging sitwasyon kanina. Bianca had one of her panic attacks and Carson was the trigger. Dahilan para pagbawalan ng doctor na pumasok sa loob ng kwarto ang dalaga. God knows how much he wanted to stay with Carson earlier.

But Bianca...

Napabuntong hininga na lang sya.

Hinubad nya ang suot na jacket at marahang ipinatong sa katawan ni Carson. May suot na itong jacket pero manipis ang leggings na suot nito at hindi nakakatulong sa lamig ng ospital. Kapagkuway nagsquat sya sa tapat nito at maingat na hinawi ang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ng dalaga.

He can see the tiredness from her beautiful face at alam nyang sya ang rason noon. Pinaghalong guilt at awa ang muli nyang naramdaman. He's such a dumbass for causing her pain. He knew it was his fault.

The hospital room door opened, and Bianca's dad went out.

"Can we talk?" wika ng lalaki.

Lihim na napabuntong hininga si Theo at tumango. Nauna nang maglakad ang ama ni Bianca. Sya naman ay tinapunan muna ulit ng tingin si Carson bago tumayo at sumunod sa lalaki.

Sa hospital garden sila dumiretso. Naroon din iyon sa floor na kinaroroonan nila at hindi nalalayo sa suite ni Bianca. Ilang minuto rin silang nakatayo lamang doon habang nakatanaw sa mga sasakyan sa ibaba na natatanglawan ng mga ilaw na panggabi.

"I heard Martha talked to Carson earlier." Si Joe Santiago – ang ama ni Bianca – ang bumasag ng katahimikan.

Nagtagis ang bagang ni Theo sa narinig. Iyon ang dahilan kung bakit ayaw nya sana isama si Carson doon. Something may happen without his knowledge.

"I see. But it wasn't in our agreement, sir. We've talked about this. Labas si Carson sa anumang agreement natin."

"I know. But I cannot blame my wife." Sagot nito. "We will do anything for our daughter. Today, we almost lost her. I thought we wouldn't be able to save her this time."

Napabuntong-hininga si Theo at napayuko. Pinipigilan nya ang sarili nyang hindi magbitaw ng masamang salita. He still respects the man he's talking with.

"Please stay Carson out of this. I am doing everything I can to fulfill our agreement."

Dumating na nga sa punto na kahit ang mga personal appointment nya ay hindi na nya halos naaasikaso. Lalo na iyong kasal nya n asana ay pinagtutuunan nya ng pansin ngayon. Pero dahil lumalala ang sitwasyon ni Bianca, he had to set aside everything.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon