Chapter 44

265 11 1
                                        


Chapter 44

Carson was just few steps away when she finally got Theo's attention. Ngumiti ang binata sa kanya at sinalubong sya sa paglalakad. Automatic na pumaikot ang braso nito sa baywang nya nang tuluyan syang makalapit.

"Where have you been?" he asked.

"I just got some wine." Sagot nya. "Bianca's here."

"Really?" tanong nito na sinundan ang tingin nila.

Bianca smiled so wide when she saw Theo looking her way.

"Theo, I've looking for you." Wika nito nang tuluyang makalapit at walang ano-anong bumeso ito sa binata na tila ba wala si Carson doon. "You look gorgeous as ever!"

Kulang na lang ay sikuhin ng dalaga ang nobyo ng tumawa ito.

"Hi Carson." Bati ni Bianca sa kanya. "I hope you don't mind me for not following the event's theme. I just grabbed the first dress that I saw in the closet."

Nagpaskil ng tipid na ngiti si Carson at nagkibit balikat. She just sipped on her wine instead of saying something not nice. She would never stoop that low.

"What are you doing here by the way?" he asked.

Yes, bakit ka nga ba nandito? Segunda ng isip ng dalaga.

Maarteng kumumpas ang kamay ng babae at bahagya pang umikot ang mga mata nito.

"I know I am not invited." Tinapunan nito ng tingin si Carson. "But Josh is, and I came with him. He's right there, talking to some folks." Inituro nito ang grupo ng mga nag-uusap na businessman sa di kalayuan.

She felt Theo tensed beside her, dahil naramdaman nya rin ang bahagyang paghigpit ng kamay nito sa baywang nya. "Why are you with him?"

Bianca chuckled. "Oh, please, don't give me that look. Josh is a changed man. Besides, he's Pancho's father."

Naguguluhang pinaglipat-lipat ni Carson ang tingin sa nobyo at sa babaeng kaharap.

"Why? Is there something wrong?"

These two are talking about something that she's not aware of. And it's kind of offending her.

Muling tumawa si Bianca.

"Nothing. You know how paranoid he can get." Sagot nito sa kanya saka nilipat ang tingin kay Theo. "See? You're making Carson worry. I'm fine, Theo. I'm a big girl now, you know." Wika nito saka bumaba ang tingin sa kamay nya na may hawak na wine glass. "I also came here to congratulate you two."

Pero hindi magawang magpasalamat ng dalaga. She feels something's off. Kahit si Theo ay hindi rin nagsalita, bagkus ay hindi nakaligtas sa pandinig nya ang pagbuga nito ng hangin.

Bahagyang nilingon nya ang nobyo at kitang kita nya ang pagtatagis ng mga panga nito. She knew he's upset over something. Hindi naman siguro ito affected sa pagsama ni Bianca sa ex-fiancé nito. Hindi naman lihim sa kanya ang naging kinahinatnan ng relasyon ng dalawa. Pero hindi rin malabo na muling magkasundo ang mga ito for the sake of their baby. Bianca gave birth to a healthy baby boy at eight months na ito ngayon. Kung nagkabalikan man sina Bianca at Josh, what is it to Theo? Is he jealous?

Lihim na umiling si Carson. She's thinking too much. Maybe he's just concerned because Bianca is his best friend.

"Excuse me, Ms. Carson."

Napalingon ang dalaga kay Mindy na hindi nya man lang namalayang lumapit.

"Your dad is looking for you."

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon