You might get bored sa first part ng chapter. It's more of descriptive writing kasi. Pasensya na. Originally, two chapters dapat 'to but I changed my mind. I have a better plan for the next chapter.
Enjoy!
Chapter 13
Carson made another raincheck for the things that she needs to bring. Nacheck na nya iyon kagabi pero mas mabuti nang sigurado. She has her things in the medium-sized suitcase and a jansport backpack. At isa pang sling bag para sa importanteng gamit like gadgets, wallet and her small pouch for lippies and powder.
One thing she's bad at, is packing her things. She's used to overpacking. Dahilan naman nya, mas mabuti nang sobra ang dala kaysa kulang. Kung tutuusin, nag-improve na nga sya. Noon kasi, palaging umaabot sa large na maleta ang dala nya kahit one week lang ang bakasyon.
Nagpahatid sya kay Cocoy sa airport. Doon na rin sila magkikita ni Emma na same time din ang flight. Papunta naman ito sa Siargao kasama si Chef Jasper. Ang bruha, nauna na sa Siargao samantalang silang dalawa ang nagpaplano dati na pupunta doon.
She arrived at the airport at 4am, that was two hours early sa flight nya. Kailangan kasi makaring ni Carson ng maaga doon para maaga din matapos.
Minutes later, nagtext naman si Emma na naroon na rin. Sa isang restaurant sila nagkita to grab some breakfast.
"May plano ka pa bang umuwi?" Bungad ni Emma sa kanya ng makalapit sya sa mesa nito. Nauna kasi ang kaibigan sa restaurant.
Pabirong umirap si Carson.
"Stop judging me. This is the best I can get." Naupo sya sa katapat na upuan nito. "Where are your things?"
Mula sa katabing upuan, itinaas ni Emma ang backpack na mas maliit sa Jansport na dala nya.
"Kakasya ba yan for 3 days?"
"Of course! This is what you call smart backpacking. I can always wash my clothes. After all, nasa beach naman kami. We don't need to dress fancy." Dumampot ito ng mojos at masayang nginuya.
Carson doesn't like the idea. For her, yung ipaglalaba nya ng damit, ipapahinga na lang nya o kaya naman ilalangoy na lang nya sa dagat. And as if, she knows how to wash her clothes.
"You'll regret of not coming with me." Kunwa'y banta nya dito. But Emma I even look affected at all.
"Pwede naman tayong bumalik dun. Next time, pure vacation na."
"Yeah, just like what you're doing right now. Kasama akong nagplano ng Siargao trip tapos ngayon iba pala ang isasama mo."
Natawa si Emma sa kunwaring pagtatampo nya.
"Sorry na. Ibigay mo na sa akin 'to. Sayang naman kasi ang opportunity."
"Yeah, opportunity para lumandi. Bakit? Jowa mo na ba sya?"
She was expecting to Emma to react negatively with what she said. Pero ang gaga, mukhang mas kinilig pa.
"Hindi nga kami magjowa. Pero we both have special connections."
Napaikot ng mata si Carson.
"Special connections, my ass! Wag ka masyado mag-invest dyan sa status nyo. Makita lang talaga kitang umiyak dahil sa kanya, kukutusan kita sa gums."
Mas lalo lang lumakas ang tawa ng kaibigan dahil sa sinabi nya.
They ordered some food while waiting for their flight. Hindi rin naman nagtagal at lumipas din ang oras. Hours later, lulan na ng eroplano si Carson papunta sa Coron.
BINABASA MO ANG
Love Me Again
Romance"Napakaunfair mo." Sabi ni Carson. "You asked me to marry you. Kaya nga tinanong kita noon kung sigurado ka ba. I've been there, Theo. Alam mo iyon. I've been left behind. I trusted you when you said you will not do the same thing. You just asked me...