Chapter 11

290 15 6
                                        

Chapter 11


Maya't maya ang paglingon ni Carson sa kasama na nasa likuran habang tulak-tulak ang pushcart. Nasa supermarket sila. Doon sila dumiretso matapos kumain ng lunch kung saan nagtalo pa sila kung sino ang dapat na magbayad. Sa huli, hinayaan na lang nya si Theo sa pagbabayad. Kahit na ba sinabi nyang libre dapat iyon.

Buong akala ng dalaga ay lulubayan na sya nito. Pero noong sinabi ni Carson na pupunta na sya sa grocery, sumama pa rin ang binata dahil may bibilhin din daw. Na ipinagtaka naman nya dahil halos mapuno na ng dalaga ang pushcart, samantalang ni isa, wala naman dinadampot ang lalaki. Sumusunod lang ito kung saan sya pumunta.

Muling niyang nilingon si Theo.

"Pipila na ako sa counter." Sabi ni Carson.

Tumango lang ang lalaki. "Let's go."

"Akala ko ba may bibilhin ka rin?"

Pero sa halip na sumagot, inangat nito ang kaliwang kamay na may hawak na bote ng toyo.

"Naubusan sa bahay."

Pigil na pigil ni Carson ang tawa dahil doon. Tumango na lang sya at muling itinulak ang pushcart papunta sa counter. Carson went outside of the mall with a pushcart full of two boxes. Samantalang isang supot lang ang dala ni Theo kung saan nakalagay ang toyo. Dahil parehong walang dalang sasakyan ang dalawa, pumila sila sa taxi. Ang binata na ang naglakad ng dalawang kahon ng groceries sa compartment ng taxi.

"Thank you, Theo. Mag-iingat ka," she said as she bid goodbye.

Walang nakuhang sagot doon ang dalaga kaya sumakay na sya sa backseat. Pero nang isasara na nya ang pinto ng taxi, pinigilan iyon ng binata at sumilip sa loob.

"Can you carry the groceries alone?"

Nagulat man, sumagot pa rin si Carson. "Hindi. Pero---"

"Move over."

Wala nang nagawa ang dalaga nang sumakay din si Theo at sinabi pa sa driver kung saan sila bababa. Kanina pa sya nagtataka sa ikikilos nito. Pero naman kasi syang magpatulong sa guard nila sa taas para buhatin ang mga pinamili. Pero heto ngayon at kasama nya pa rin ang binata pabalik sa opisina.


* * * * *

"Salamat, kuya!"

Itinulak na ng isang building staff ang handtruck trolley palabas. Gusto nang gumagalpak ni Carson sa sitwasyon nila. Dahil nga sumama si Theo pabalik sa opisina nya, inakala nyang ito ang magdadala ng mga pinamili nya. Well, mali naman nga iyon. Sino nga ba naman kasi ang mag-iisip na magbubuhat ng mabigat na kahon ng groceries ang isang Theo Montillano? Only Carson.

Pero hindi nya rin naman inaasahan na kakausapin nito ang building personnel para ipaakyat ang mga dala nila. Ibang klase din talaga ang isang ito.

Matapos ihabilin sa guard nila ang pag-aayos ng groceries sa pantry, bumaba na sila ni Theo papunta sa parking.

"Thank you, Theo. Don't worry, hindi ako pupunta sa dinner kapag nag-invite ang mommy mo. Baka singilin mo pa ako ng TF today," she joked.

"This isn't all about the dinner."

"Sabi mo eh," she said laughing. "I'll go ahead. Drive safely." Hindi na nya hinintay pa ang sagot ng kaharap at tumalikod na papunta sa kotse.


* * * * *

Carson felt something strange when she gets home. Himala yata na nasa garahe na ang sasakyan ng mga magulang gayong alas sais pa lang ng gabi. Maging si Cocoy ay nakakapagtakang naabutan nya sa sala.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon