Synopsis

902 25 0
                                    

Animo'y kakambal na ng mga babaeng Asuncion ang pagiging matandang dalaga. Hindi pa man umaabot sa edad na trenta ay hinihiwalayan na ang mga ito ng mga nobyo. Nagmula pa sa great great grandmother nila sa father side ang ganoong paniniwala na ayon sa matandang kwento, isinumpa ng bestfriend ng una. Their great great grandfather was supposed to marry a different woman – ang bestfriend ng lola nila sa tuhod. Ngunit nabuntis nito ang huli kaya hindi natuloy ang kasal. Sa sobrang galit ng bestfriend ng lola nila sa tuhod, isinumpa nitong walang magiging masayang babae sa angkan nila. Pati tuloy sila na wala naman kinalaman sa gulo ng matatanda, nadamay pa.

Mula noon hanggang sa tiyahin nila sa ama ay nakakabit ang 'sumpang' iyon. Kaya hindi na nakakagulat na may isa sa pamilya ng bawat generation ang matandang dalaga.

At ngayon nga, parang nangyayari na rin ito sa Ate ni Carson na si Andromeda, dahil kahapon lamang ay nabalitaan nilang naghiwalay na ang kapatid at ang nobyo nito nang walong taon. Ang dahilan, nakahanap daw ng iba ang lalake. Hindi naman masisi ng dalaga ang nobyo ng nakatatandang kapatid. Baka nga natauhan na dahil hindi naman sa nilalait nya ang kanyang Ate, may pagkamanang kasi ito. Maganda pero out-of-this-world kasi ang style pati na rin ang paniniwala sa buhay.

But Carson doesn't believe in such things. 'Ika nga sa kumakalat ngayon sa social media, 'Come on, people. It's 2020!'. Sino naman ang maniniwala sa 'sumpa' sa panahon ngayon na ang tanging nagpapaikot sa tao ay pera at gadgets? Isa pa, sa Maynila sila nakatira. Kung nasa probinsya sila, baka maniwala pa ang dalaga. Sa panahon ngayon, doon na lamang naman kasi nag-eexist ang mga ganoong usapan at paniniwala bukod sa mga nasa libro.

Basta sigurado si Carson na imposibleng mangyari ang 'sumpa' sa kanya. Una, dahil may nobyo sya at apat na taon na sila ni Raffy. Pangalawa, engaged na sila at magpapakasal na once makababa na ito ng barko. Pangatlo, sigurado si Carson na ang lokohin sya ang kahuli-hulihang bagay na magagawa ng nobyo sa kanya. Sa sobrang bait at loyal kasi nito, papasa na itong maging pari.

Pero isang araw ay bigla na lang syang hiniwalayan ni Raffy. May nabuntis itong iba habang nasa laot ito. Nang araw na iyon, tila gusto na ni Carson sumapi sa grupo ng pamilya nyang naniniwalang totoo nga ang sumpa sa kanila. Why, she's already 28! Dalawang taon na lang ay aabutin na nya ang cursed age. Ngunit tila inaadya naman ng tadhana dahil dumating sa buhay nya si Theo.

Theo Montillano is a hunk. Period. He's almost perfect. May pakamasungit ang ito, but it's understandable. Sa dami ng inaasikaso nito sa buhay at sa sariling negosyo, hindi na bago dito ang maging seryoso sa mga bagay bagay. But since he met Carson, everything started to change. Kahit iyong usual na ginagawa nya ay tila nagkaroon ng buhay. Araw-araw ay walang palya ang dalaga sa pagpapakita sa kanya na may igaganda pa pala ang mundo nya. They faced the struggles and hardships together. He's so in love with her that he will do anything for Carson.

But behind his façade, no one knows his real battles. Something that he has been living since he was eighteen. He wanted to tell Carson about it but his agreement to someone has always been stopping him. Just when Theo was ready to open himself to her, he already lost her. He had to push her away, para din sa ikabubuti nito.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon