Chapter 15

271 15 9
                                        

Chapter 15


Kanina pa tahimik si Theo and it's bothering her. Well, it's not as if first time ni Carson na makita itong ganito. Nagtataka lang sya dahil kagabi ay maayos naman silang naghiwalay. Sa tingin nya nga ay level up na ang friendship nilang dalawa kahit hindi pa nito sinasabi na magkaibigan sila. He's back to being stiff. Kahit noong ipinakilala nya ito kay Tupe, ni hindi man lang ito ngumiti. He just shook Tupe's hand.

Imposible namang nao-awkward ito dahil may iba silang kasama. For sure, he's used to meet people. And Tupe is not just someone she just met. Childhood bestfriend nya ito. Meaning, they can also be friends.

Hindi rin naman inaasahan ng dalaga na darating ang kaibigan. Kahapon kasi ang last update nito sa kanya at based sa sinabi nito, parang hindi na talaga ito makakasunod. Kaya nagulat na lang si Carson kaninang madaling araw nang magising sya sa phone call. Tupe was outside of her villa. Kakarating lang nito galling HongKong at dumiretso agad doon sa Coron. Kaya kahit gusto nya pang matulog, nawala na ng tuluyan ang antok nya at nakipagkwentuhan na lang sa kaibigan.

"Sayang, hindi ka nakasama sa HongKong. You should have seen our new office. It was beautiful!" sabi ni Tupe habang kumakain sila ng almusal. Nasa tabi nya ito habang sa harap naman nya si Theo.

"Sayang nga eh. Don't worry, when I find time again, you can take me there."

Doon nya narinig ang malakas ng buntong hininga ni Theo. Nang tingnan nya ito, sa labas nakatingin ang binata. Ni hindi nito nagalaw ang pagkain. Maging ang kape ay mukhang lumamig na rin.

"Is there something wrong?" tanong ng dalaga dito.

Nilingon sya nito pero hindi sumagot. Dinampot lang nito ang kutsara't tinidor at nagsimula nang kumain.

Baka masama lang ang gising. O baka naman may nangyari sa opisina.

Hindi na lang kinulit ni Carson ang kaharap at nagpatuloy sa pakikipagkwentuhan kay Tupe. Masaya sya na unti-unti na itong nakakausad sa plano. Nagkakaroon na ng kulay ang negosyong binubuo nito at ng ama.

"Wow, you're right. This is good!" sabi ni Tupe nang ipatikim nya ito ang isang local dish ng Coron.

Danggit lamayo is one of the popular dishes in Palawan. It consists of sun-dried Rabbitfishes marinated in vinegar, garlic, and pepper. Hindi kasi kumakain ng fried fish itong si Tupe kaya natuwa sya nang malamang nagustuhan nito iyon.

"I told you!" proud na sabi ng dalaga.

"You should also try their brewed coffee." Sabi ni Theo na ikinaangat ng tingin ng dalaga. Nasa pagkain pa rin ang atensyon nito. "It suits better with the danggit than the orange juice."

Ayaw man isipin ni Carson pero parang may nasense syang panunuya sa boses nito. Sana lang ay imagination lang nya iyon at hindi napansin ni Tupe.

"Hindi kasi sanay si Tupe sa kape. He's more of a tea or juice person."

Doon nag-angat ng tingin si Theo at nagbigay ng nang-iinis na ngiti.

"I'm just suggesting."

He grabbed the cup of coffee and sipped on it without leaving his eyes on her.

Ano bang problema ng isang ito? Kung babae ito, iisipin na lang nya na baka may period.

"I'll try that then. Maybe this evening." Tupe said.

Theo just shrugged and went back to eating.

Saglit na natahimik tuloy ang mesa nila and Carson suddenly went the awkwardness. Ibinalik na rin nya ang atensyon sa pagkain. Pero bigla syang natigilan nang may inilagay na tempura si Theo sa plato nya.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon