Chapter 4

306 16 2
                                        

Chapter 4

Halos lumuwa ang mata ni Carson sa karangyaan na nakikita nya. Though she was born with a silver spoon in her mouth, palagi pa rin syang humahanga sa mga magagandang disenyo ng mga hotel. Pagparada pa lang ng sasakyan ni Theo kanina sa tapat ng Resorts World ay halos atakihin na sya sa kaba. Hindi lang pala basta basta ang pamilya ng lalaking kasama nya.

"Theo, what a pleasant surprise!" halatang nagulat talaga ang babaeng bumati sa binata ng makita silang pumasok sa function room.

Ang totoo nyan, kanina nya pa napapansin ang kakaibang tingin sa kanila ng mga taong naroon. Yung tipong sobrang gulat at pagtataka ng makita sila ni Theo. Baka naman hindi sya welcome sa party na iyon. May napansin pa syang nagbulungan noong dumaan sila sa isang grupo ng mga babae. Napailing na lang si Carson. Kahit sa mayayaman, uso din talaga ang tsismisan.

"I'm invited, Irene." Simpleng sagot lang ni Theo.

"Yeah, of course." Sagot ng babae saka lumipat ang tingin sa kanya. "And she must be...?"

"This is Carson..." As usual, pormal pa rin ang pagpapakilala nito sa kanya doon sa babae.

"And who is she?" Taas ang kilay na tanong ng babae habang pinaglalaruan ang hawak na wine glass.

"My girlfriend. Now, if you'll excuse us, we'll go ahead."

Iyon lang at hinila na sya nito palayo sa babae.

Concious pa rin si Carson sa mga tingin na nakapukol sa kanila ni Theo. Ano ba naman klaseng mga tao ito? Parang kakainin sila ng buhay. Sa tanang buhay nya, ngayon lang yata siya kinabahan ng husto na dapat hindi nya maramdaman. Una, dahil hindi naman nya kilala ang mga naroon. Pangalawa, alam nyang magandang-maganda sya. And so far, wala pa syang nakikitang kakulay ng gown nya ang suot. Kaya siguradong stand-out sya.

"Kaninong engagement ba ito?" Tanong ulit ng dalaga. Kanina pa sya kinakain ng curiousity nya kung kaninong party ang pinuntahan nila at kung bakit mula silang gate crasher ngayon?

"Stop asking questions, Carson." Pagkasabi noon ay may narinig na naman syang tumawag sa pangalan ni Theo. Sabay silang napalingon at nakita nya ang isang magandang ginang in her early 50s.

"Hijo, you're here!" Hindi rin makapaniwalang sabi nito.

"You made me come to this event, Ma." Seryosong sagot ng binata. So, mama pala nito ang magandang ginang.

"Yeah, but---" napatingin ito kay Carson, "Who is she?"

"She's a---"

"Hello, Ma'am. I'm Carson Asuncion. I'm pleased to meet you." Agad na sabi nya sabay lahad ng kamay.

"Oh, hello. How are you related to Cynthia and David Asuncion?" Amused na tanong ng ginang.

"They're my parents, ma'am."

"Oh, I see. How's the business going then? It's been a while since the last time we talked." Nakangiti na ngayon ang mommy ni Theo na ikinakunot naman ng noo ng binata.

"The business is doing well, and they'll be retiring soon."

"Yes, I heard that. So, you'll be taking the company after them?" Dahil doon ay natawa ang dalaga.

"They won't allow me to handle the company, Ma'am. They all know I'm not really interested to it."

"And it's okay with them?"

"Oh, they love me." Dahil doon ay nagtawanana ang dalawang babae. Tahimik lang na nanunuod si Theo sa kanila.

"By the way, are you my son's new girlfriend?" Doon ay halos hindi makasagot si Carson. Ano bang isasagot nya? Eh nagpapanggap lang naman sila ngayon. Kung nagawa nyang magsinungaling sa babaeng nakausap nila ni Theo kanina, ngayon ay hindi nya magawa sa harapan ng mama nito. Why, the woman is really nice, and she can't afford to lie to her.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon