"Napakaunfair mo." Sabi ni Carson. "You asked me to marry you. Kaya nga tinanong kita noon kung sigurado ka ba. I've been there, Theo. Alam mo iyon. I've been left behind. I trusted you when you said you will not do the same thing. You just asked me...
Dahil malakas kayo sakin, here's another update. Thank you so much for loving Theo and Carson. Happy Saturday, everyone!
Enjoy!
Chapter 27
Halos dalawang oras silang nag-ikot sa Cartimar sa paghahanap ng asong gusto ni Carson. May iba naman silang nakita kanina pero hindi nila kinuha dahil ayon sa dalaga, wala syang nararamdamang connection dito.
Until they came to this one shop.
They were greeted with small barks. Iba-ibang breed ang naroon. They asked for the specific breed that they were looking for. Itinuro ng may-ari ang area kung saan naroon ang limang goldendoodle na tuta. Agad na nagkagulo ang mga ito nang lumapit sila.
Except for one.
Tahimik lang itong natutulog noong una pero nang maramdaman na may nakatayo doon, agad na nag-angat ito ng ulo. It only took one look at the puppy's eyes and Carson immediately fell in love with it. Chocolate brown ang kulay noon with thick fur that makes the puppy looks like a stuffed toy.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Bumangon ang aso at tumakbo palapit sa kanila. Isinabit nito ang dalawang paa sa hawla na para bang inaabot si Carson. Its cute tail was wagging that it's almost like saying hi to her.
Yumuko ang dalaga at kinuha ang tuta.
"Coffee..." she said while happily caressing its back. Natawa pa ang dalaga ng ilapit ng tuta ang nguso nito sa mukha nya. "I found him." Sabi nya sa binata.
"Coffee..." Theo repeated.
He smiled and nodded while looking happily at Carson. Nilalaro na nito ang kargang aso.
"We'll take him." sabi ng binata sa nagtitinda.
"Okay po, sir. Medyo makulit lang po ang isang iyan at mas aggressive sa natitirang apat." Bilin ng may-ari.
"Okay lang, kuya." Sagot ni Carson. Then she looked at Theo. "I think he likes me."
"I'm sure he does."
Matapos magbayad at makuha ang papers ni Coffee, bumili rin sila ng gamit ng tuta. Si Carson ang hinayaan ni Theo na pumili sa mga gamit ng alaga. Tuwang tuwa naman ang dalaga. Ni hindi nila namalayan na inabutan na sila ng alas otso ng gabi. Doon na sila nagdesisyong bumalik sa sasakyan.
"Where do you want to eat?" tanong ni Theo. Nasa daan na sila at medyo malayo na sa Cartimar.
"Sa bahay mo na lang. I still have lasagna left." Sagot ng dalaga habang kalong ang natutulog na si Coffee.
"That won't be enough." He said. "I'll cook sinigang. Is that fine with you?"
"Of course! I love sinigang!"
This is definitely one of Carson's happiest days. Totoong aso na si Coffee na dati ay imagination nya lang. Plus, Theo will be cooking sinigang. She couldn't be any happier.