Chapter 14

287 17 8
                                        

Chapter 14

"May kailangan pa po kayo, sir?"

Umiling si Theo bilang sagot. "Just don't forget to send the papers to Mr. Castro as soon as you get back."

"Yes, sir. I'll go ahead po."

"Take care."

Theo was supposed to go back to Manila with Anj. But he chose to stay for a couple more days. Hindi sigurado ang binata sa gagawing desisyon pero kanina bago sila mag-almusal, ang EA na nya ang nagsabi na baka gusto nya mag-extend. Tama naman ito. So, he didn't have to think twice. Worth it ang Coron para sa ilang araw na bakasyon. Wala rin naman syang kailangan ipag-alala. Anj has been very efficient. Ilang taon na nyang napatunayan iyon. Kahit wala sya sa opisina, maayos pa rin na maasikaso iyon with the help of his EA.

Isang linggo na sila sa resort na iyon para sa isang business deal. He knew the owner and they have already met a couple of times on different social events. And now that the resort owner expressed an interest in investing with Lucent, agad na lumipad ang binata sa Coron para asikasuhin iyon. Who would have thought that aside from the successful business meeting, magtatagpo na naman ang landas nila ni Carson?

Theo and his EA were having breakfast at the clubhouse when he noticed a beautiful woman entered the place. Akala pa nga ng binata, namamalik-mata sya. Nabitin tuloy sa ere ang akma nyang pagsubo dahil dito. The world is indeed small. He was sure it was Carson. And she's definitely a head-turner. Kahit simpleng white sundress lang ang suot nito, agad na nakakuha ng atensyon ang dalaga. Pero mukha namang hindi nito napapansin ang atensyon ng ibang tao. She has her focus on one thing – the buffet table.

Napailing na lang si Theo nang maalala ang itsura nito habang kumakain. He even pranked her. One thing that he never imagined he would do. But Carson is like a breath of fresh air.

Inilatag ng dalaga ang beach towel sa lounge chair saka nya inilagay sa katabing upuan ang bag na dala. Without second thoughts, she took off her sundress and denim shorts at maingat na isinampay sa sandalan. Naiwan ang sexy white two-piece swimsuit nya. Then she tied her hair in a messy bun before sitting on the chair. Kinuha nya ang libro mula sa dalang bag at saka isinuot ang Le Pliage cat eye sunglasses bago humiga sa lounge chair. She's ready to get some tan.

Napangiti ang dalaga sa mabining hanging dagat. Ah, this is life! Kapag talaga beach ang destinations, wala syang itinerary. Mas masarap kasi yung hihilata ka lang tapos kakain. Habang nakatitig sa gabi naman, pagmamasdan nya lang ang mga bituin kasama ang alak.

Nasa gitna ng pagbabasa ang dalaga nang maramdaman nyang may nakatingin sa kanya mula sa lounge chair di kalayuan sa pwesto nya. Lumingon si Carson sa pag-iisip na baka si Theo na naman iyon. Nawala na kasi ito kanina matapos syang pagtripan. But the guy wasn't Theo. It was just some random guy – and handsome if she may add. Hindi pa rin sya nito nilulubayan ng tingin kaya ngitian nya ang lalaki. Pero sa halip ay tumayo ang lalaki para umalis na.

Napakunot noo ang dalaga at ibinalik na lang ang tingin sa binabasang libro.

Sa totoo lang, kanina nya pa napapansin iyon. Hindi naman sa umaasa syang may lalapit sa kanya, pero hanggang tingin lang talaga ang mga ito. That's new. Dati kasi hindi lilipas ang sandali, may kasama na sya sa pwesto nyang iyon. Pumapalya na rin ba ang alindog nya?

Hindi maaari.

Nasa ganoong pag-iisip si Carson nang may umupo sa bakanteng lounge chair sa tabi nya. Napalingon doon ang dalaga. It was Theo. He was still wearing the same white button-down shirt when she saw him this morning. Nakabukas ang tatlong butones nito sa taas which gave her a good view of his chest.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon