Chapter 19

279 18 6
                                        

Chapter 19



"Stop staring." Sabi ni Carson saka umiwas ng tingin.

Kanina pa sya huminto sa pag-iyak at nakabalik na rin sa upuan nito si Theo. Pero hindi naman sya nito nilulubayan ng tingin. Panay iwas tuloy ang dalaga para lang hindi magtama ang mga mata nila. Alam nya kung ano ang itsura nya ngayon. For sure, kulay kamatis na naman ang ilong nya at namamaga ang mga mata dahil sa labis na pag-iyak. Hiyang hiya pa ang dalaga dahil nabasa nya ng luha ang damit nito. Good thing he was wearing a black dress shirt. Kaya hindi masyadong halata ang part na naiyakan nya kanina.

Hindi alam ni Carson kung gaano katagal syang umiyak kanina. Pero hindi maubos ubos ang luha nya. Mas lalo pa syang naiyak dahil sa masuyong paghagod ni Theo sa kanyang likod. Noon nya naipagpasalamat na sila lang ang tao sa second floor. Kung hindi, nagkaroon sya ng audience sa pag-atungal nya kanina.

Ngayon nga, sa halip na puro pagkain ang laman ng mesa nila, napalitan iyon ng alak at juice. May isang pitsel ng freshly squeezed orange juice doon para kay Carson samantalang brandy naman para kay Theo.

"Sorry you have to witness that. I didn't know I would still react that way when I see him. Akala ko nalagpasan ko na eh." Tumingin sya sa labas dahil naramdaman na naman nya ang nagbabadyang luha.

Pambihira naman kasi! Sa lahat ng araw, ngayon pa nangyari iyon.

"Why do you keep saying sorry? It wasn't your fault that he's a jerk."

Napalabi si Carson. "Mabait naman yun."

"He still cheated."

Napabuntong hininga na lang ang dalaga.

Tama naman nga ito. But Raffy is one of the nicest people she knows. Kaya nga masakit para sa kanya na nagawa nito ang bagay na iyon.

Napabuntong hininga sya. "Yes, he did. But my love for him is greater. To the point that if he only asked for an apology, I will easily forgive him and take him back."

"You're insane."

"We are insane. Tayong dalawa."

Napakunot ng noo si Theo. "Why me?"

"Sa engagement party last month. I didn't mean to eavesdrop, but I heard you talking to Bianca. You were willing to win her back basta iwan nya lang yung bagong boyfriend nya. Pareho lang tayo ng kapalaran."

"And I'm glad she didn't do. Or else..."

Napansandal sa backrest ng upuan si Carson. Mas gumaan na ang pakiramdam nya.

"Or else?"

Umiling si Theo at tinitigan sya ng diretso. "Closure. That's what you need. You can't always dwell on your past and think of 'what ifs'. That will only worsen your situation."

"Ginawa mo rin siguro yun no? Nagdwell ka rin sa past."

"I am not the topic here. If you really wanted to start anew, you must end everything first. May iba na sya at nakapagsimula na ulit. You must do the same."

Natahimik si Carson.

Masakit marinig sa ibang tao iyon. Parang isinaksak sa puso nya ang katotohanan. Oo nga naman. Nakapagmove forward na si Raffy. Samantalang sya, naroon pa rin. Naiwan sa lugar kung saan umalis ang ex nya. Mag-isang nagluluksa sa durog nyang puso.

"Bakit? Ikaw ba, natanggap mo na ba sa sarili mo yung nangyari sa inyo?"

He took a gulp of his brandy before answering. "Yes. What is there to hold on for? She gave up a couple of months ago. Just like you, I still wished that we can still fix it. But she still chose him."

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon