Chapter 20

271 16 7
                                        




Chapter 20

Bigla ay tila nawalan ng silbi ang malamig na hangin na nagmumula sa air condition ng kotse. The kiss went deeper. Lalo na noong bahagyang naramdaman ni Theo ang munting dila ng dalaga na dila kumakatok sa mga labi nya. He opened his mouth and welcomed her in. He was gently caressing her back to the side of her waist. Mabilis naman nakasabay ang dalaga sa tila ritmo ng kakaibang sayaw na iyon.

Until she stopped... Followed by a soft sob.

Natigilan si Theo at tila binuhusan ng malamig na tubig. God, what did he do? Dapat hindi sya nagpadala sa apoy na iyon.

Marahan nyang inilayo si Carson sa kanya para makita ang mukha nito. Hinawi nya ang buhok na nakatabing sa magandang mukha ng dalaga. She was crying.

"What's wrong?" nag-aalalang tanong nya.

Was he a bad kisser? Ni minsan naman ay walang nagsabi na bad kisser sya? Lalong wala pang umiyak sa kanya matapos nyang halikan.

"Hey..." untag nya sa dalaga. He gently wiped her tears.

"Sorry..." she answered with a sob.

She moved and went back to her seat. Nasa labas na ang tingin nito.

"Take me somewhere far from here."

"Do you want to go home?"

Umuling si Carson. "Anywhere but home."

Hindi nagsalita si Theo. Nakatitig lang sya sa dalaga. Hindi nya alam kung ano ang nangyari sa loob. Kung bakit kasama nito ang ex-boyfriend at kung bakit ito lasing ngayon. May ginawa ba ang lalaking iyon kay Carson? Sana naman ay wala. Hindi nya maisip ang pwede nyang gawin kung sakali.

Bumuntong-hininga sya at lumapit ng bahagya sa dalaga para ikabit ang seatbelt nito. Ni hindi kumibo si Carson habang nasa labas pa rin ang atensyon.

He started the ignition and drove off.


LAGPAS ISANG oras nang nagmamaneho si Theo nang walang siguradong pupuntahan. Hindi nya gustong dalhin ang dalaga sa bar dahil baka uminom ito ulit. Ayaw din naman nitong umuwi. Kanina nya pa ito sinusulyapan habang nagmamaneho. Umayos naman ito ng upo pero hindi pa rin nagsasalita. But she already stopped crying. Hindi alam ng binata ang dapat na sabihin. He was never good at words. Hindi nya sigurado kung gagaan ang pakiramdam nito kung sakaling magtanong sya.

He looked at her again. Nakatulog na ito. Hindi naman nya pwedeng hayaang doon lang sa sasakyan matulog ang dalaga. Besides, hindi nya alam kung saan ito nakatira. So, he did what he thought was right.

He took the next U-turn going to Makati. May sarili syang bahay doon na tanging ang mga magulang pa lang nya ang nakakapunta. He loves his time alone na kahit kasambahay ay wala sya. Twice a week ay may pinapapunta syang kasambahay ng magulang doon para magstock ng groceries at maglinis ng bahay.

It was almost an hour when he parked his car in front of a modern contemporary house. Binuksan nya muna ang main door bago nya maingat na binuhat si Carson diretso sa master bedroom. Nang masigurong maayos na ang pwesto ng dalaga, saka niya ito iniwan at muling bumalik sa sasakyan para kunin naman ang mga gamit nito.

Bumalik sya sa kwarto at doon naabutan si Carson na nakaupo sa gilid ng kama. She has her eyes closed; hair disheveled. Maya-maya ay tumayo ito habang napapikit pa rin ang mga mata. What she did has caught him off-guard.

She took off her red dress. In just a few seconds, naipon sa paanan nito ang pulang damit. Tanging ang itim na panties lang ang natira dito. She wasn't even wearing a bra!

Agad na napatalikod si Theo para maiiwas ang tingin sa dalaga. He blew a frustrated breath. Hindi nya alam kung ano ang gagawin. Obviously, she was still asleep.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon