Chapter 33

344 14 4
                                    

Chapter 33

Everyone cheered as soon as the bonfire started to light up. Kakatapos lang magdinner ng lahat at nagpapalipas na lang ng oras sa harap ng malaking apoy na pinagtulungan i-set ng mga kalalakihan. That includes Theo, of course. Samantala, abala naman ang mga babae sa pagtuhog ng marshmallow sa mahahabang sticks para gawing s'mores.

Nang matapos ay pumaikot na sila sa bonfire. Ang iba ay nakaupo sa troso na nakuha sa gilid ng pampang habang karamihan ay naglagay lang ng malaking tela pansapin sa buhanginan.

Girl scout kung maituturing si Carson dahil dinala nya ang paboritong round beach blanket. Given na iyon dahil alam nyang sa beach sila pupunta.

She sat there cozily with Theo hugging her from the back. Dalawa sa staff ang nagdala ng gitara at game naman ang lahat na maki-jam. They spent their time singing and eating s'mores until 9pm before they call it a night.

The next morning, nagising si Carson dahil sa mga mumunting halik sa mukha nya. Pilit na idinilat ng dalaga ang mga mata para lang mabungaran ang nakangiting mukha ni Theo.

"'Morning, love." Bati nito nang makitang gising na sya.

She groaned sleepily but tried to smile back. "Morning..."

"Rise and shine, mahal ko." Muling sabi ng binata nang makitang nakapikit sya ulit. He gave her butterfly kisses again and whispered on her ear. "Come on, we need to be at the peak before sunrise."

"I'm still sleepy." Reklamo nya. "It's your fault. You kept me up all night."

Pinilit na nyang dumilat kaya nakita nya ang sutil na ngiti ng nobyo. Halatang may ginawang kabulastugan nang nakaraang gabi.

"Don't give me that grin. Hindi nakakatuwa." Singhal nya dito.

Theo raised both of his hands in the air as if surrendering. Pero sa labi ay naroon pa rin ang mapang-asar nitong mga ngiti.

Pinagdikit nila ang dalawang foldable beds kagabi para magkatabi silang makakatulog – o mas tamang sabihing makakahiga dahil hindi naman talaga sila nakatulog. They spent the whole night cuddling and talking about their lives before they met. Nakakapagtaka na sa dami na ng napag-usapan nila, meron pa pala silang hindi nababanggit sa isa't isa. They tell stories in between kisses and suppressed laughs, trying not to wake everyone up.

It was two in the morning when they fell asleep and now, they need to wake up and prepare for another day of shooting.

"What time is it?" she asked.

"2:00am. We still have an hour to prepare and have breakfast. Then two and a half hours for the trek. The sun will rise at 5:45am."

Isang oras lang pala sila nakaidlip. That explains the headache.

"Come on, breakfast is ready outside. After the shoot, we can go back here and get some sleep. Sa hapon pa naman tayo aalis."

Pilit na bumangon ang dalaga at ginawa na lang na motivation ang tulog na makukuha nya pagbalik nila mamaya.

After fixing herself, magkahawak kamay silang lumabas ni Theo sa tent. Hinintay talaga sya ng binata na matapos para daw sabay na sila mag-almusal. Naroon na rin ang mga kasama nila at kumakain na. Ang iba naman ay tapos na at hinahanda na ang mga equipments na dadalhin.

Umupo si Carson sa tabi ni Emma na naabutan nyang kumakain sa foldable picnic table.

"Coffee, love?" Theo asked, who was sitting at her right.

"Yes, please. No cream. Thank you, mahal ko."

"Okay, I'll be back."

Tumayo si Theo para kumuha ng kape sa ginawa nilang temporary buffet table. Doon sya siniko ni Emma at mapang-asar na nginitian.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon