Chapter 26
"Good morning!" Emma greeted as she walked inside Carson's office.
Bahagya lang na nag-angat ng tingin ang dalaga sa kaibigan. "Good morning. Nice dress!"
"Thanks! By the way, what's with all those food deliveries?"
Muling nag-angat ng tingin si Carson. Nakakunot ang noo. "What delivery?"
"Hindi ba ikaw ang nag-order ng food? Nasa lobby, ang dami."
"Wala akong inoorder."
Tumayo ang dalaga at lumabas ng opisina. She walked directly to the lobby. Naabutan nya ang guard nila na bitbit ang dalawang box ng pizza at mukhang dadalhin sa pantry.
"Kuya, saan galing yan?"
"Kay Sir Theo daw po, ma'am. Sabi ng nagdeliver alam nyo na daw po ito. Nasa pantry na po ang iba."
Tumango na lang si Carson sa narinig. "Thank you, kuya."
"Ayun naman pala. Kay Theo galing." Sabi ni Emma na muntik na nyang ikatalon dahil sa gulat. Sumunod pala ito sa kanya. "Magtatrabaho muna ako. Huwag mo na pigilin ang kilig. Baka sa iba lumabas yan."
Iniwan na sya ng kaibigan at pumasok sa sariling opisina. Ganun din ang ginawa ni Carson. Naabutan nyang nagri-ring ang cellphone nya.
"He---"
"Before you say anything, let me remind you that food isn't a material thing. It's an essential."
Natawa si Carson sa pagiging defensive ni Theo. "Wala pa akong sinasabi."
"I know the way you think." He said chuckling.
Muling natawa ang dalaga. Kilala na nga sya nito. "Eh kung ganito ba naman palagi, baka pati mga empleyado ko sagutin ka na. Huwag mo sila masyadong ini-spoil."
"That would be better actually. Imagine, gusto na nila akong lahat. Ikaw na lang ang may ayaw."
"Napakaagang kadramahan naman nyan, Theo." Biro nya dito. "Have you had breakfast?"
"I had coffee. I must go. I'll be meeting some people for our new project in a few minutes. Need to get ready."
Tumango si Carson kahit hindi naman iyon nakikita ng binata. "Thank you, Theo. I really appreciate it."
"Anything for you."
Ilang segundo nang natapos ang tawag pero hindi pa rin mabura ang ngiti ng dalaga. Who would have thought that Theo would do this? In fairness naman, hindi pa ito pumapalya na magpa-impress sa kanya. Noong weekend lang, sinigurado nitong mag-eenjoy sya kasama ito. Carson didn't expect him to do these things. Lalo na at wala pa namang kasiguraduhan sa mangyayari. But Theo's determined and so far, wala naman maireklamo doon ang dalaga.
The next day, Theo sent foods again. Mukhang sineryoso nito ang sinabi nya kahapon. Ayaw man aminin ng dalaga pero deep inside, nagwawala na naman ang dugo nya. Actually, nagkakabanggaan pa nga yata ang mga ito sa loob ng sistema nya. Paano bang hindi? Bukod sa pagkain, may kasama pang bouquet of red roses na ipinadala ito. Pati tuloy si Emma na nananahimik lang kahapon, hindi na napigilang magtanong sa kanya. Hindi naman ito itinago ni Carson sa kaibigan.
"How was it?" Theo asked.
They were having dinner at a fancy restaurant.
Carson grabbed the table napkin and wiped the corner of her lips. "This is good, but I like your pasta better."

BINABASA MO ANG
Love Me Again
Romance"Napakaunfair mo." Sabi ni Carson. "You asked me to marry you. Kaya nga tinanong kita noon kung sigurado ka ba. I've been there, Theo. Alam mo iyon. I've been left behind. I trusted you when you said you will not do the same thing. You just asked me...