Chapter 6

343 20 9
                                        

Had to write this down bilang makakalimutin ako. No schedule for updates, kung kelan lang ako sipagin, iyon na yon haha this is the longest chapter I've written by far.

Enjoy!


Chapter 6

"God, I'm so tired!"

Halos sabay na napasalampak ang magkaibigang Emma at Carson sa couch. Kakabalik lang nila sa office matapos magdeliver ng mga products. May walong drivers ang Eco Warrior Inc at bawat isa dito ay may kanya kanyang assigned na destination, basta kayang itravel by land. Tatlo ang nagdedeliver sa north area, tatlo din sa south at dalawa naman within Metro Manila.

But that day, one of their drivers in Metro called in sick. So, the two girls decided to do the work. Hindi naman iyon bago sa kanila. When they were just starting, sila din ang nagde-deliver personally ng products, ginagawa pa nilang driver at boy si Cocoy.

Tatlong company ang pinuntahan nila nang araw na iyon para dalhin ang mga bamboo straws at bambler - short for bamboo tumbler. Magkakalapit lang naman ang mga ito pero nakakapagod ang magbuhat at ang sumuong sa matinding traffic.

"I'm so hungry! Natunaw yata lahat ng kinain ko kanina," komento ni Carson.

Tumayo ang dalaga para kunin ang cellphone sa bag. Mag-oorder na lang sya ng pagkain nila online. They were too tired to go out to eat at the resto.

Nang matapos mag-order ng pagkain, bumalik sya sa couch at humilata. Gustong gusto nya ang couch na iyon dahil malaki ang space, kasya sila ni Emma. Magkabaliktaran ang pwesto nila ng kaibigan - tanging ulo ang magkatapat - at parehong abala sa kanya kanyang cellphone.

"Oh finally!" masayang react ni Carson nang mabasa ang isang email. Bahagyang napalingon dito si Emma. "It's official. We're going to be at the Bazaar. Registered na tayo."

The bazaar was a two-day event for all the eco-enthusiasts. They can sell their products there and there are also artists to perform at night. Sa Highstreet BGC ang venue. Suki na ang Eco Warrior sa mga ganoong bazaar. Actually, the event helped them get huge customers. Doon din sila nagsimula at nakilala.

Nang dumating ang food delivery, nagsimula na silang kumain at pinag-usapan ang iba pang plano sa bazaar. Dalawa sila palaging nagbabantay sa stall nila. Maliit lang naman kasi iyon at eksakto lang sa dalawang tao. Last year, they also joined an eco-related bazaar at the World Trade Center. It was a blast. Not to mention their sales hiked up after the event.

"Lucent International?" Emma said while her eyes fixed on her phone.

"What about?" Carson knows Lucent Int'l, of course. Isa ito sa ka-deal ng daddy nya.

"They sent us an email and asking when the best time will be to call." Nanlaki ang mata ng kaibigan sa excitement. "Oh my God!"

Ganoon na lang din ang tuwa ni Carson sa narinig. Maya-maya pa ay masayang nagtatalon na sa tuwa ang dalawa habang magkayakap.

Sino ba ang hindi magiging masaya? Lucent Int'l is a huge company. Hindi madali ang magpaschedule ng appointment dito. And now, ito mismo ang lumapit sa kanila. Sulit talaga ang pagod nila sa araw na iyon.

HINDI na naman mapakali si Carson.

It's been a week since they had a call from Lucent for an appointment. At ngayon nga ay naroon si Carson sa rest room ng Executive floor ng nasabing kompanya.

Pabalik balik na naglalakad ang dalaga habang nasa tenga ang telepono. Kanina nya pa tinatawagan ang kaibigan pero isang beses pa lang ito sumagot. The last update she got from her was she's already on her way. Pero hindi naniniwala si Carson doon. She knew her friend for a couple of years now. Kapag sinabi nitong 'on the way' na, maliligo pa lang ito. Dapat talaga, pinilit na lang nya si Emma na magsleep over sa kanila kagabi. Kahit kailan talaga, never itong naging on-time. Importante pa naman ang araw na iyon.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon