Chapter 24

283 17 7
                                        

Chapter 24


"Si Theo ba yung naghatid sayo kanina?" Emma asked.

Nakahiga na sila sa kama. Pareho nang inaantok pero ayaw pa nilang matulog. Ganoon palagi ang setup nila ng kaibigan kapag matutulog sa bahay ng isa't isa. May guest room naman ang townhouse na iyon ni Emma pero nasanay na silang magkatabi palagi matulog. Pampaantok kasi nila ang chismisan.

"How did you know?"

"Hindi ko naman kailangan hulaan." Sagot ng kaibigan. "Mukhang nanliligaw na."

Natawa si Carson. "Ang hilig mo talaga magbigay ng kulay sa bagay-bagay. Nagmamagandang loob lang yung tao. Diba, nabanggit ko sa text noong Sabado na sasamahan nya ako sa bazaar?"

"Oo."

"Ayun. Hinatid nya lang ako dito after ng bazaar kanina. Wala kasi akong dalang kotse."

Dahil doon ay natawa si Emma. "Eh dyan nga nag-uumpisa yan eh."

"Tantanan mo ako Emmanuelle. Ayoko munang isipin yung mga ganyan. Hindi pa ako nakakarecover. Ngayon sana ang mga huling oras ko bilang dalaga dahil bukas..." hindi na nya naituloy ang sasabihin.

Napabuntong hininga si Carson.

Doon gumalaw si Emma at niyakap sya. "In God's time, lahat nang nangyayaring sakit sayo, mapapalitan ng saya. Because you deserve it."

Napangiti ang dalaga. "Deserve mo rin. We all deserve it. Siguro nga may mas magandang plano si Lord sa atin. Tapos darating ang araw, lahat to pagtatawanan na lang natin."

"Thank you, bes. For being with me. Kahit na may sarili ka ring puso na kailangan gamutin, pinuntahan mo pa rin ako. Sobrang naappreciate ko talaga."

"Eh syempre, bestfriend kita. Anong klaseng kaibigan naman ako kung iiwan kita mag-isa?"

Sa totoo lang, kung wala si Emma at ang pamilya niya, hindi alam ni Carson kung kakayanin nya ang mga nangyayari. The pain is too much to take in. Totoo nga talaga na hindi naman nawawala ang sakit. Natatabunan lang iyon ng panibagong pangyayari sa buhay kaya naiibsan. Pero ngayong naalala na naman nya, hayun na naman ang kakaibang kirot.

Kung tutuusin, malaking kahihiyan ang nangyaring pagkansel sa kasalang iyon. Planado na ang lahat. From biggest to smallest details. Prepared na sana at rarampa na lang sa isle si Carson. Pero sabi nga nila 'sh*t happens'. Parang nabubuhay ang sakit sa puso nya nang muling maalala ang pakikipag-usap ng pamilya nya sa mga taong involve sa preparation – para lang sabihing hindi na matutuloy ang kasal. Wala na ang pangarap nyang simbahan, ang hotel, ang pangarap nyang honeymoon sa Maldives. At ang pinakamasakit sa lahat, ang dream wedding gown na ipinagawa nya ng mabilisan. Nag-aaral pa lang sya, alam na ni Carson ang itsura ng traje de boda na gusto nyang suotin sa kasal. Akala nya matutupad na ang pangarap na iyon, hindi pala.

Alas sinco na ng umaga nang makatulog ang dalawa.

"O bakit nandito ka? Diba sabi ko sayo magbakasyon ka muna?" tanong ni Carson nang makita si Emma na pumasok sa opisina nya.

Pinagbakasyon nya muna ang kaibigan para makapagrelax muna ito. Isang linggo na rin mula nang magbreak ito at si Chef Jasper – na bigla na rin lang nagresign sa restaurant nila. Much to her mom's surprise. Wala naman itong alam sa nangyayari.

"Yeah. Galing na ako sa bakasyon." Umupo ito sa couch at nagrekwatro. "Binisita ko si Bash sa resort nya sa Batangas. Kakauwi ko lang this morning but I was bored at home kaya pumunta na lang ako dito."

Tumango-tango si Carson. "So that explains the tan." Medyo namula na kasi ang mestizang balat nito. "How's Bash and The Farm?"

"Naku as usual, madaldal pa rin si Bash. Mabuti na nga lang naabutan ko na nandun sya." Blockmate nila si Bash noong college. Babaeng bakla kung tawagin nila ito sa sobrang kalog. "And The Farm is still very relaxing. Pero in fairness ang daming improvement. Mas maganda pa ngayon."

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon