Chapter 22

240 18 4
                                        

Chapter 22


Good morning! Are you in the office na?

Napangiti si Carson sa nabasang text message mula kay Theo. She typed in 'Yes' with a smiley and sent her reply before going out of the car. She made sure it was locked before walking inside the elevator. Seconds after the elevator door closed, she heard her phone beeped again.

That's good. I'm actually planning on watching a movie tonight. Any recommendation?

Muling napangiti ang dalaga. Nagta-type pa sya ng reply para dito nang bumukas ang elevator sa floor ng office nila. She got off and continued typing while walking towards the entrance of Eco Warrior. The guard greeted her which she answered with a smile.

She's been exchanging text messages with Theo for two days now. Mula noong napadpad sya sa bahay nito sa Makati. Hindi nya pa rin maalala ang huling nangyari noong gabing nag-usap sila ni Raffy. Basta ang alam nya lang si Theo ang sumundo sa kanya doon at inuwi sya dahil nakatulog na daw sya sa sasakyan nito. Mula noon, naging madalas na ang pagtext nito sa kanya na nakakapanibago dahil hindi naman nila iyon dati ginagawa.

Pero hindi maiwasan ni Carson ang makaramdam ng kakaibang saya. Lalo na kapag nakikita nyang nakaflash sa screen ng phone nya ang pangalan ng binata. Wala naman silang ibang mas makabuluhan na pinag-uusapan. Gaya ngayon, humihingi ng pelikula na pwede nitong panuorin. Mukhang naging successful naman ang experience nito sa panunuod ng movie.

"Good morning! Ang ganda mo naman!" bungad ni Emma sa kanya. Kakalabas lang nito sa sariling opisina na katabi lang ng sa kanya.

"Good morning! Tigilan mo ako, hindi kita ililibre ng lunch." Sagot nya saka pumasok sa opisina. Sumunod ito.

"Pwera biro, ang blooming mo nga. I wonder sino ang dahilan."

"Chismosa ka talaga." Natatawang sagot ni Carson sa kaibigan. "Wala naman kakaibang nangyayari sakin. Baka sayo meron. Kakaiba ang awra mo ngayon."

Bihis na bihis kasi ito to think na Friday naman. More on street style kasi ang mga outfit nito pero kakaiba ngayon dahil nakadress at stilletos pa nga.

"Ginawa mong Lunes ang Friday." Komento pa ni Carson.

Ngumiti ng malapad si Emma. "Syempre naman no? Nagtext kasi sakin si Jasper kanina. Sabi nya magkita daw kami mamayang gabi after ng office. May sasabihin daw sya."

"Wow, kaya naman pala iba ang dating mo ngayon. Mukhang may magaganap mamaya."

"True! Ayokong pangunahan pero feeling ko matutupad na ang matagal ko nang pinagdarasal."

Napangiti si Carson. "In fairness naman pala kay Chef Jasper. Mukhang mali naman pala ang hinala kong siraulo din sya."

"Hmp! Mali talaga no?"

Natawa ang dalaga.

Sa tagal na panahon ng pakikipag-date ni Emma, ngayon nya lang ito nakitang tumagal sa relasyong wala namang label. Sana naman nga, si Jasper na ang para dito. Gusto nya rin makitang masaya ang kaibigan lalo na at sa kanilang dalawa, mas ito ang nangangarap na makapag-asawa na. Hindi nya hahadlangan ang pangarap na iyon ni Emma.

Matapos magbreakfast at magchikahan, hinarap na nila ang kanya kanyang trabaho. Bukas kasi ay simula na ng bazaar na sinalihan nila. Two days iyon – over the weekend – kaya abala na naman sila sa pag-aasikaso kung ano ang mga dadalhin at ididisplay sa bazaar. Silang dalawa ni Emma ang palaging bantay sa stall nila kasama ang isa sa mga staff.

"O, baka naman masyado kang mapasarap mamayang gabi at ma-late ka bukas ha? Wala akong makakasama sa bazaar. Utang na loob, Emma."

"Of course! I won't let you down, ano ka ba? Aagahan ko, promise."

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon