Chapter 46

189 13 5
                                        


Chapter 46

ANOTHER two weeks have passed.

Mas tumitindi ang stress nina Carson at Theo. They only have more than a month left before the wedding. At doon pa nagkakaroon ng conflict sa oras nila. Bilang parehong head ng kani-kanilang kompanya, sumasabay ang malaking demand ng trabaho sa opisina. Nasisira tuloy ang schedule nila sa preparation ng kasal.

Last week, they were able to squeeze in some time for their prenuptial shoot. Over the weekend lamang iyon na ginanap sa isang beach resort malapit sa Metro Manila. Noon lang sila ulit nagkaroon ng alone time after what happened in Lucent. Walang ibang nakakaalam sa nangyaring commotion maliban sa kanilang tatlo nina Bianca at Theo. Kaya naman ramdam nila ang matinding ang tension sa pagitan nilang dalawa. But they had to give their best and act normal in front of the camera and the photographers. Naging maayos naman ang shoot na iyon. Kahit sino siguro ang makakakita sa mga larawan, walang mag-aakala na may pinagdadaanan ang relasyon nila.

Naging mas hectic pa ang schedule nila sa mga sumunod na araw.

Madalas din magclash ang dalawa kaya nauuwi iyon palagi sa pagtatalo. May mga araw kasi na hindi nakakarating ang binata sa oras na napagkasunduan nila. He's always been punctual pero ngayon ay sumasablay ito sa oras. Isa na iyong araw na may seminar nila sa simbahan. Noong nagfood tasting naman sila ay umalis din ito agad para bumalik sa opisina. Pakiramdam ni Carson ay sya na lamang ang may gustong ituloy ang kasal nilang iyon. She was trying to give time for their wedding appointments, and she doesn't feel that Theo was doing the same way.

Ilang beses na syang tinanong ni Emma kung okay ba sila ni Theo. Ito kasi ang madalas nyang kasama sa mga lakad kaya ito ang nakakapansin. But she will always tell her that they're doing fine. Because they are. May kaunting problema lang. Para saan ba at maaayos din nila iyon.

Pero paano naman kayo magkakaayos eh hind inga kayo nag-uusap? Singit ng maldita nyang isip.

It was another busy day at the office. Kakatapos lang ni Carson kausapin ang department heads nila. It was a two-hour long meeting and God knows how much she wanted to drag the time. Kaninang umaga pa kasi masama ang pakiramdam nya. Hindi nga sana sya papasok sa opisina kung hindi lang nya naalala ang mga nakapilang meeting sa schedule nya.

Naglalakad na sila ni Mindy pabalik sa private office nya nang makaramdam ang dalaga ng pagkahilo. Bigla ay napatigil sya sa paglalakad at napahawak sa malapit na dingding.

"Ms. Carson, okay lang po kayo?" tanong ni Mindy na agad syang hinawakan sa braso.

She closed her eyes and nodded. Mas sumama pa ang pakiramdam nya ngayon.

"Anong oras ang next meeting ko?" tanong nya dito.

"In 30 minutes, ma'am."

Tumango sya. "I'll be in my office for a while. Tawagin mo na lang ako."

"Sige po."

Hindi sya iniwan ni Mindy hanggang makapasok sya sa opisina. Binigyan pa sya nito ng baso ng tubig.

Hinang-hina na isinandal ng dalaga ang likod sa backrest ng couch at saglit na pumikit. Nahihilo pa rin sya.

Sa isip ay pilit na inuungkat ang pwedeng dahilan ng pagkahilo nya. Maaaring dahil sa pagod at puyat. For a few weeks, hindi nagiging maayos ang tulog nya dahil sa dami ng iniisip. Pwede ring dahil kulang sya sa kain. Pero hindi naman sya nagugutom.

She moved and attempted to get up, pero pag-angat pa lang nya ng ulo ay sumidhi lalo ang hilo nya at pakiramdam nya ay masusuka sya.

"Mindy!" malakas na tawag nya sa secretary.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon