Chapter 1

546 17 0
                                        

Chapter 1

Panay ang buklat ni Carson sa wedding magazine na hawak. Iniwan iyon ng couturier na ipinadala ni Raffy para makapili sya ng wedding gown na gusto nya. Pero paubos na ang page, wala pa rin nagugustuhan ang dalaga. And she's getting frustrated. Ayaw nya ng basta-bastang design lang. It was her wedding and she should be the most beautiful girl on that day.

Nasa ganoong mood sya ng magring ang skype. It was her fiancé calling. Agad na nabura ang kunot sa noo nya at agad na sinagot ang tawag. Seconds later, her fiancé's handsome face flashed on the screen.

"Hi, hon!" Bati nito. "How's your day?"

"It's fine. Just a bit busy. Nakakapagod mamili ng wedding gown." Ipinakita nya sa screen ang magazine na hawak. "How about you? Break mo na?"

"Yeah. I'm inside my cabin."

Napangiti ang dalaga. Kahit apat na taon na sila ng nobyo, kinikilig pa rin sya kapag tumatawag ito. Ni minsan ay hindi ito pumalya na tumawag at kumustahin sya kahit dapat ay nagpapahinga na lang ito tuwing break time.

"What about your gown? Wala kang mapili?"

Napalabi si Carson. "Wala eh. I mean, they're all gorgeous but they're not me. Alam mo yun? Nakukuha mo ba ako?"

Raffy chuckled. "Yeah. If that's the case, why don't you ask our couturier to make your dream gown? Instead of wearing their ready-to-wear one?"

Napabuntong-hininga ang dalaga. God knows she wanted to. "Isn't it too late? We only have a few months left."

"We still have a year, hon." Natatawang sabi ng nobyo. "I'll call Neli and will have her in your house tomorrow. Just let her know what you want. She'll make it happen."

Dahil sa narinig ay nagliwanag ang mukha ng dalaga. Masayang masaya ang puso nya. Sayang nga lang at hindi nya kaharap ang nobyo. Kung hindi, nayakap na nya ito ng mahigpit. O baka hindi lang yakap ang maibigay nya dito.

Lihim na napahagikhik ang dalaga.

Ang totoo, gusto nyang magpatahi ng sariling wedding gown but she's too shy to ask. Kahit naman kasi lumaki syang sunod sa luho, alam nya pa rin ang limitation nya. And Raffy was too nice that she's sure he won't say no. She won't take advantage of his kindness. Isa pa, alam nya kasing limited na lang ang oras nila sa preparation.

"I love you, hon. I can't wait for our wedding na."

Hindi alam ni Carson na possible pala ang ang ganoong kaligayahan. Pagkatapos talaga ng kasal, ipapakita nya talaga sa lahat ng angkan nila na hindi totoo ang sumpa sa kanilang pamilya. Sya ang puputol sa sumpang iyon.

"Me, too." Raffy answered. "By the way, how's Ate Andy?"

Napabuntong hininga si Carson.

"Ayun, she's still not talking to anyone. Naaawa na nga kami sa staff nya sa restaurant. Palagi daw kasi mainit ang ulo ni ate. Baka magsi-alis na ang mga iyon."

Her sister, Andromeda, is a known chef and owns a couple of restaurants in the Metro. Isa ang restaurant business nito ang bumubuo ng empire ng kanilang pamilya. Ito at ang mommy nya ang namamahala. At noong isang araw lang, lumapit ang isang restaurant staff nito sa mommy nila at sinabi ang planong pagreresign. Hindi na raw matagalan ang mood ng ate nya na palaging galit sa mundo at lahat na lang ng nakikita ay hindi pasok sa timpla nito.

"Did you try talking to her?"

"Oh, many times. But she keeps pushing everybody away. Eh hindi naman kami ang nangwasak sa puso nya. Makita ko lang talaga yang ex nya, sasapakin ko talaga."

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon