No proofreading. No nothing. For the tamad talaga ako ngayon, pagpasensyahan nyo na. Enjoy!
Chapter 8
Pagpasok pa lang sa kabahayan ay narinig na agad ni Carson ang boses ng mommy nya mula sa dining room. Dumiretso na sya agad doon.
"Beng, change this plate. Ipalit mo yung binili ko sa Turkey."
"Hi, ma." She said as she kissed her mom on the cheek. "Aligaga ka na naman. Relax."
"Finally, you're here. Can you call your brother? Kanina pa nya ako hindi sinasagot. I already told him to be home early. It's almost seven. Darating na ang mga bisita natin, wala pa rin sya."
Hinagod ng dalaga ang likod ng ina. Masyado na naman itong natataranta.
"Okay, I'll call Cocoy. Just relax, will you? Pauwi na rin iyon." Pero sa isip ay nagpaplano na syang saktan ang kapatid kapag nakauwi ito. "Where's dad?"
"He's on his way," and as if on cue, narinig nila ang ugong ng sasakyan mula sa labas. "It must be him. Go and change your clothes first. Papunta na ang mga bisita."
As expected, abala na naman ang nanay nya. Hindi na nga ito pumunta sa restaurant dahil ito ang naghanda ng hapunan nila. Tinulungan naman nya ang ina kaninang umaga sa paggawa ng desserts pero kinailangan nyang pumasok pa rin sa opisina nang dumating ang tanghali. Nagkaroon ng problema sa isang delivery at nagrereklamo ang customer nila. Mabuti na lang at naayos din agad kaya nakauwi pa rin sya ng maaga.
Nakahanda na ang mesa nang tuluyang iwan iyon ni Carson. Extra special ang table setting ngayon na usually ginagawa lang nila kapag may okasyon. There were flower arrangements and the three huge taro leaves placed on the table gave more personality. Mahabang panahon na nga naman ang nakalipas bago ang reunion ngayong gabi kaya literal na celebration talaga ang magaganap.
The moment Carson reached her room, she immediately contacted her brother. Ayaw pa nitong sagutin kung hindi lang nya tinadtad ng texts. Aba, ang damuho, nasa bar pala! Nakuha pang magparty kahit alam naman na may okasyon sa bahay nila.
"Umuwi ka na bago ko pa tawagan si Mon para ipatapon ka sa labas ng bar." Sabi nya pa dito bago nya ito pinatayan ng tawag.
Si Mon ang may-ari ng bar na pinuntahan ni Cocoy.
Matapos noon ay dumiretso na sa banyo ang dalaga. Nag-ayos lang sya ng mukha. Manipis na powder at lipstick na nude ang ginamit nya. She doesn't wear heavy-colored lipstick kung kakain lang din naman. Ang awkward kaya kapag nabura yung lipstick dahil sa oily ng pagkain. Pagkatapos ay nagbihis na sya. She picked a simple black dress with flowy skirt. Spaghetti ang strap noon. Natatakpan ang harap pero bukas ang likuran.
Maraming boses na ang naririnig ni Carson nang makarating sya sa may hagdanan. Mukhang dumating na ang mga bisita.
Naabutan nya sa dining room ang mga magulang na abala sa pakikipag-usap. Ang mommy nya ay malapad ang ngiti habang kausap ang magandang babae.
"Auntie Belinda!" she said excitedly.
Lahat ng mata ay napatingin sa kanya. Agad na lumapit ang dalaga sa tinawag at yumakap dito.
"How are you, Auntie?"
"We're good," masayang sagot ng babae. "Look at you. You are gorgeous!"
"Thank you po," she said happily. Nilingon naman nya ang asawa nito. "Hi, Uncle! Wow, you guys didn't even age at all."
"Aba, mas magaling ka nang mambola ngayon. You must've learned a lot from your father," sagot ni Uncle Joseph.
"Of course! Best teacher 'yan si dad."

BINABASA MO ANG
Love Me Again
Roman d'amour"Napakaunfair mo." Sabi ni Carson. "You asked me to marry you. Kaya nga tinanong kita noon kung sigurado ka ba. I've been there, Theo. Alam mo iyon. I've been left behind. I trusted you when you said you will not do the same thing. You just asked me...