Chapter 18
They're back to the real world the next day. Carson and Emma have been very busy on the first hours of the day. Natambak din kasi ang paperworks tapos dumating na rin ang supplies ng ibang items nila para sa bulk deliveries. Ni hindi nga sila makapag-chikahan ngayon ni Emma dahil pareho silang abala sa kanya-kanyang ginagawa. Mabuti na lang nasulit nilang dalawa ang oras kahapon. Na-hotseat nya rin ito sa bakasyon nito sa Siargao. Aba, ang gaga. Isinuko na pala ang Bataan kay Chef Miko.
Kulang na lang ay batukan nya ito.
Kung tutuusin, wala naman syang say sa actions ng kaibigan. But it bothered her dahil wala naman label ang dalawa. Masyadong mapagmahal at mapagbigay si Emma at natatakot ang dalaga na baka sa huli, wala nang matira dito at umuwing luhaan. Ayaw nyang maulit dito ang nangyari sa kanya. Heto nga at napangakuan na sya ng kasal pero hindi pa rin naman naging successful ang relasyon.
"Aren't you going out?"
Napabalik ang isip ni Carson sa kasalukuyan nang sumilip si Emma sa opisina nya.
"Saan naman ako pupunta?"
Pumasok si Emma at naupo sa silya na nasa tapat ng table nya. "Diba, may lunch date kayo ni Theo?"
"Oh, that!" kaswal na sagot ni Carson. "Hindi nga date yun. At hayaan mo sya maghintay."
"Hindi mo sisiputin?"
"Malay ko ba kung seryoso yun. Ni hindi na nga ulit tumawag kagabi."
Hindi rin kasi nya nireplyan ang text nito. Kung seryoso ito sa invitation nito sa kanya, sana nagtaka ito na hindi sya sumagot.
"Masyado kang pabebe. Kapag nakahanap ng iba yun, wag ka iiyak dyan."
Nagtaas ng kilay si Carson. "At bakit naman ako iiyak? As if naman na patay na patay ako doon."
"Sa nakikita ko kasi, papunta na. Ayaw mo lang aminin sa sarili mo. Alam mo kasi, ang isang gaya ni Theo, hindi na dapat pinapakawalan. Aba, bibihira na lang ang ganyang lalaki sa mundong ibabaw." Litanya ni Emma.
"I beg to disagree. Marami pa rin ang lalaking malandi. Kaya no, thanks!"
"Napaarte mo po! Kung wala lang si Miko, ako na lang ang lalapit kay Theo tapos ipapamukha ko sayo kung ano ang pinakawalan mo."
Dahil doon ay binato nya ang kaibigan ng crumpled tissue.
"Yuck! Kadiri ka!" tili nito.
Tawa ng tawa si Carson. "Ikaw ang maarte. Malinis na tissue yon!"
Nasa ganoong usapan sila nang tumunog ang telepono ng dalaga. Sumensyas sya kay Emma na tumahimik muna bago nya sinagot iyon.
"Eco Warrior, this is Carson."
"Hi, Ms. Carson. This is Anj from Lucent International Executive Office."
Napakunot ang noo ni Carson. "Hi, Anj! How may I help you?"
"Sir Theo is wondering if you have time today. He wants to meet you regarding the contract."
"Contract?"
"Yes, ma'am. But I'm not allowed to provide the details on the phone. He asked me to send you the address of the restaurant. He'll meet you there in 30."
Napataas na lang ng kilay ang dalaga. She already knows where this is leading to.
"You see, Anj, I have so much things to do today. So, I'll have to check first if I can squeeze this in. Would that be fine?"

BINABASA MO ANG
Love Me Again
Romance"Napakaunfair mo." Sabi ni Carson. "You asked me to marry you. Kaya nga tinanong kita noon kung sigurado ka ba. I've been there, Theo. Alam mo iyon. I've been left behind. I trusted you when you said you will not do the same thing. You just asked me...