Chapter 45"AS promised, here are the invitation samples. Sabi ni Wheng, sabihan mo na lang sya kung alin ang mas bet mo na design para mai-schedule na nya agad ang production. Kasama na rin dyan ung choices ng paper na gagamitin."
"Thank you, bes."
Dala ni Emma ang limang sample ng wedding invitations mula sa kaklase nila noong college na ngayon ay kilalang negosyante na rin. Printing company ang pag-aari noon at kasama ang paggawa ng invitations para sa iba't ibang okasyon.
Weekend ng araw na iyon at naroon sila sa lanai ng bahay nina Carson. Nakalaan ang araw na iyon para asikasuhin nila ang invitations at ang souvenirs ng kasal. Kailangan na rin kasi maidistribute iyon. They only have two months left before the wedding. They're already halfway through the preparations. Sa tulong ng mga taong malalapit sa kanila at ang kinuha nilang wedding planner at designers, napabilis ang takbo ng plano nila.
Sa wakas ay nagkasundo na rin ang parehong side nila sa mangyayaring kasal. Hindi nanalo ang 300 guests na plano sana nina Carson at Theo. They decided to meet halfway instead and invited around 700 people.
It was a garden wedding. Kahapon lang ay ipinakita na ng designer sa kanila ni Theo ang magiging itsura ng kasal nila and they couldn't be more excited. It will be beautifully decorated with flowers.
Maayos na rin ang listahan ng entourage. They only listed a few pairs. Of course, there's Emma as her maid of honor at ang kaibigan naman ni Theo ang best man. Meron din isang pares ng ring bearer at flower girl. Anak ng pinsan ni Carson ang flower girl habang anak naman ng best friend ni Theo ring bearer. At ang natitira ay mga sponsors na nila.
"By the way, our flight to Singapore is next week. Baka lang makalimutan mo. Nasabi ko na rin kay Mindy na ilagay sa schedule mo."
Tumango si Carson. "Yeah, Mindy told me about it yesterday. Thank you, bes!"
Si Emma ang kasama nya lumipad ng Singapore next week para sa gown fitting nya. She will be wearing one of Vera Wang's bridal creation. Theo would like to go with them pero mahigpit ang bilin ng mga magulang nila na hindi nito dapat makita ang wedding gown. Kaya ayaw man nila, kailangan pa rin nilang sumunod. Wala naman mawawala kung susunod sila sa pamahiin.
At dahil nga hindi makakasama si Theo, doon na lang din ini-schedule ang fitting nito. He will be wearing a customed Armani suit. For sure, he'll really look good in it. Maging ang sapatos na susuotin ng dalawa ay nakaayos na rin. Hinihintay na lang ni Carson ang Chanel boots nya dahil inorder pa nila iyon sa abroad. She prefers wearing boots on her wedding day to make sure she'll be comfortable. Sigurado kasing buong araw ay hindi sila makakaupo and it wouldn't be nice if she'll be wearing high heels the whole day.
"Saan nyo plan maghoneymoon?"
Mula sa laptop ay nag-angat ng tingin si Carson sa kaibigan. "Wala pa eh. We're thinking of Switzerland, but I haven't talked to Theo about it again."
"Until now? Baka nakakalimutan nyo, two months na lang before ng kasal nyong dalawa. Yung honeymoon pa ang huli sa listahan nyo."
She smiled at her. "Kumalma ka dyan. We can just go and book a ticket any time. May mga mas mahalaga lang kaming inaasikaso ngayon. "
Emma rolled her eyes playfully. "Hay naku, siguro kasi nakatakda na ako ang mag-asikaso noon." wika nito pagtapos ay may kinuha sa bag. "Here's my gift for you and Theo." She handed her the white envelope. "Sagot ko na ang honeymoon nyong dalawa."
Hindi makapaniwala si Carson habang pinaglipat lipat ang tingin kay Emma at sa puting sobre.
"You're not joking?"
![](https://img.wattpad.com/cover/228884385-288-k368110.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me Again
Romance"Napakaunfair mo." Sabi ni Carson. "You asked me to marry you. Kaya nga tinanong kita noon kung sigurado ka ba. I've been there, Theo. Alam mo iyon. I've been left behind. I trusted you when you said you will not do the same thing. You just asked me...