Chapter 3
Kasabay ng pagbirit ni Whitney Houston sa kanta nitong 'Where Do Broken Hearts Go' ang siya namang pagpalahaw ni Carson ng iyak. Wala na halos space ang coffee table sa harapan nya dahil sa nagkalat na tissue. Muli syang humugot sa tissue box at suminga sabay hagis muli noon.
Iyon ang napasukan ni Emma. Napabuntong hininga na lang ito at agad na dinampot ang remote mula sa sofa saka pinatay ang tugtog.
"Hindi ka na naawa kay mareng Whitney. Mula kaninang umaga, nagsusumigaw na yan. Dalawang oras na, hindi mo pa rin pinagpapahinga," kunwa'y reklamo nito.
Dumaan kasi si Emma sa bahay nila kaninang umaga pero umalis din dahil may business meeting. At ngayon nga na nagbalik na ito, nasa ganoong estado pa rin si Carson.
Suminghot ang dalaga at tiningnan ng masama ang kaibigan.
"Kay Whitney naawa ka, sa akin hindi? Bes, ako yung nasaktan," muli naman itong suminghot dahil sa nagbabadyang luha.
Napatitig na lang si Emma sa kaibigan at muling napabuntong hininga.
"I hate seeing you like this. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. Tingnan mo, sa halip na lumabas ka sa kwarto mo, ayan at hindi mo tinatantanan si Whitney. Tama na, bes."
Dahil doon ay muling pumalahaw sa iyak si Carson.
"Ang sakit, sakit, bes! Ang sakit!" iyak sya ng iyak. Nilapitan ito ni Emma at niyakap.
Hindi maipaliwanag ni Carson kung anong klaseng sakit ang nararamdaman niya. Basta ang alam nya lang, kahit anong gawin nya, hindi naman iyon nawawala. Sabi nila kapag iniyak mo, mababawasan ang hapdi. Pero wala naman nangyayari.
Dalawang linggo na rin ang nakakalipas mula noong tumawag si Raffy sa kanya para ipaalam na hindi na matutuloy ang kasal. Isang bagay na ni minsan hindi nya naisip na pwedeng mangyari. Hello, bukod naman kasi sa sobrang ganda nya, sexy at magaling magluto, hindi rin matatawaran ang kabaitan nya. Hindi sa kanya nanggaling ang mga 'yan ha? Maraming tao na rin ang nagsabi kaya alam nyang totoo iyon at hindi lang sya binobola. Lumaki syang may takot sa Diyos at hindi sya sanay magsinungaling. Matulungin din sya sa kapwa. Madalas nga, sa ampunan nya pa ginaganap ang birthday nya kaysa magkaroon ng private party.
Kaya isang malaking shunga ang ex nya para iwan sya at ipagpalit sa iba.
Who would have thought na kayang gawin ng isang mabait at loyal na tao ang lokohin sya?
Nakabuntis ito at ngayon, kailangan nitong pakasalan ang babae dahil kung hindi, bala ang susundo dito. Anak pala ng isang retired general ang nabuntis ng ex nya. Sa isang banda, naawa din sya kay Raffy. He has always been nice. Hindi rin nito sigurado kung ito nga ang ama ng ipinagbubuntis ng babae. Kumakapit na lamang ito sa araw kung kailan nangyari ang insidente. That same night Raffy called, doon din nito sinabi sa kanya na hindi totoong hindi sila dumaong sa Singapore. Natuloy pa rin but he didn't push through the plan of visiting Philippines. Doon sa Singapore, nagkita sila ng pamilya ng babae para pag-usapan ang planong kasal.
"Tandaan mo, di hamak na mas maganda ka sa bago ng hinayupak na iyon. Nastalk ko na sa social media ang hitad. Akala mo pinigang kamias ang fez. Ang layo layo sa beauty mo," sabi ni Emma nang medyo kumalma na sya sa pag-iyak.
"I know."
Pati sya ay nastalk na rin nya ang babae. Totoo ang sinabi ni Emma. Hindi nya alam kung ano ang nakitang kakaiba dito ng dati nyang nobyo. Isang malaking sampal sa kanya iyon ha? Yung ipagpalit sya sa chaka. Matatanggap pa nya kung maganda din at mabait na gaya nya ang nahanap nito. Ni hindi nga sigurado si Carson kung kilala nito ang sariling 'pulbo'. Glass skin daw pero sa nakita naman nya sa mga pictures nito, parang pinahiran ng mantika ang mukha ng babae. Pwede na ring awing salamin.
BINABASA MO ANG
Love Me Again
Romance"Napakaunfair mo." Sabi ni Carson. "You asked me to marry you. Kaya nga tinanong kita noon kung sigurado ka ba. I've been there, Theo. Alam mo iyon. I've been left behind. I trusted you when you said you will not do the same thing. You just asked me...