Chapter 2

334 16 1
                                        

Chapter 2

Carson was restless. Dalawang araw na nyang hindi nakakausap si Raffy. She's been sending texts and even calling him but he's responding. First time na nangyari iyon sa loob ng maraming taon. There are times na natatagalan ito sumagot sa kanya, that's because he's working. Pero hindi naman lilipas ang araw na wala itong text o tawag. Kaya nag-aalala ng husto ang dalaga. Ngayon ay sumabay pa si Emma. Isang oras na itong late sa fitting. Lahat ng excitement nya noong nakaraang araw na makita ang wedding gown ay tuluyan nang nawala.

"Sorry na, bes. Dumaan pa kasi ako sa boutique ni Mommy. Naipit tuloy ako sa traffic," agad na paliwanag ni Emma nang makarating ito.

"You know how strict our schedule is."

"I know. I'm so sorry. Hindi na mauulit, promise." Niyakap sya nito.

And right there and then, she felt better. Hindi pa maayos, but the hug helped. Iyon lang din pala ang kailangan nya.

"How are you? Have you heard back from Raffy?"

Carson heaved a sigh and shook her head.

Masuyong hinaplos ng kaibigan ang braso nya. "Don't worry too much. Maybe he's just busy. O kaya naman baka inuubos na ang trabaho nya para makauwi na."

"Maybe he's having second thoughts?" Ayaw man nyang isipin pero iyon ang tumatakbo sa utak nya kagabi pa.

"At bakit naman sya magkakaroon ng second thoughts? Matapos ka nyang yayaing magpakasal, ngayon magdadalawang isip sya?" react ni Emma. "Cold feet, pwede pa. Normal lang naman daw iyon sa mga ikakasal. So, keep calm, okay? Ayaw mo naman siguro maging chaka sa kasal mo."

Sinunod na lang nya ang sinabi ng kaibigan at sinimulan na ang fitting. Nauna si Emma para i-fit ang gown nito. Ito ang maid-of-honor nya. It was long gown in the lightest shade of grey. Magkahalong light pink at light grey kasi ang motif ng kasal. Magandang maganda ito sa suot, lalo na siguro kapag naayusan na sa mismong wedding day.

After Emma, si Carson naman ang pumasok sa loob. She was welcomed by the most beautiful wedding gown she has ever seen. Hindi pa tapos iyon pero buo na. Lalagyan na lang ng laces, beads and other details. But the structure itself is gorgeous. Eksakto lang ang sukat noon sa kanya.

Lumabas sya sa fitting room dahil naroon sa may receiving area ang malaking salamin. Mas lalong humanga si Carson sa gown ng makita ang kabuoan noon. Lahat ng agam-agam nya kanina ay tuluyan nang nabura. She's very happy.

"OMG! You are gorgeous!" Emma exclaimed. "This is the exact gown you were telling me since college. And now, you're already wearing it."

"I know."

Hindi mapigilan ni Carson ang mapaluha.

Unti-unti nang nagsi-sink in sa kanya. Ikakasal na sya at sa lalaking mahal nya at mahal din sya.

Nang maalala ang nobyo ay agad na hinarap nya ang kaibigan.

"Take a picture me, dali!"

Agad naman sumunod si Emma at kinuhanan sya ng picture. Pagkatapos ay iniabor nito sa kanya ang cellphone.

"I'll send this to Raffy. I'm sure he'll be thrilled." Excited na wika nya.

"Hey, don't."

Tinaasan nya ng kilay si Emma at natatawang tiningnan ang kaibigan.

"Bakit naman?"

"Hindi mo ba alam ang pamahiin? He shouldn't see you wearing that. Baka hindi matuloy ang kasal."

Carson rolled her eyes.

"Duh! Eh yung sumpa nga sa pamilya ko, hindi ako naniniwala, eto pa. Besides, he didn't see me in person. Sa picture lang naman nya makikita."

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon