Prologue

736 28 2
                                        

Prologue

          "Hey, hon!" masiglang bati niya sa binata at bago pa ito makapagreact, ikinawit na nya ang dalawang braso sa batok nito at buong pagmamahal na hinalikan ang lalaki. Pero hindi rin naman nagtagal ay bumitiw din sya dito at ngumiti saka nag-iwas ng tingin.

          Iyon na yata ang pinaka nakakahiyang ginawa ni Carson sa buong buhay nya. To kiss a stranger. Ni sa bangungot ay hindi nya naisip na gawin ang bagay na iyon. But she was left no choice. Kesa naman kulitin sya palagi ng manyak nyang kliyente. And speaking of her client, nasaan na nga kaya iyon? Sigurado syang nasa paligid lang ito. Kaya nga nya nagawang halikan ang lalaking kaharap nya dahil natanawan nya ito kaninang sumusunod sa kanya.

          "Who the hell are you?" galit na tanong sa kanya ng binata.

Noon lang napatingin ang dalaga dito at halos hindi sya makapagsalita ng mapatitig sa gwapo nitong mukha. Pero hindi maitatago sa expression ng mukha nito ang iritasyon. Para namang pinagsamantalaga nya ito. My God! Para halik lang.

Ako nga ang dapat mainis. Boyfriend ko lang ang dapat kong halikan no?, sabi nya sa sarili.

But she maintained her cool. Kasalanan naman nya talaga dahil hindi sya nagpaalam.

"No one." mabilis na sagot ni Carson. "Pasensya na. Kailangan ko lang gawin. Emergency." lalong nangunot ang noo ng lalaki habang nakatingin sa kanya.

          "What---" pero pinutol niya ang anumang sasabihin nito ng matanaw nya ang makinis na ulo ng client nya na papalapit sa pwesto nila.

          "Please, do me a favor. I owe you." She said in a low voice

          "What are you talking about?" lalong nangunot ang noo ng kausap nya at mas galit na ang boses nito.

          "Carson! Dito ka lang pala nagpunta. Nawala ka bigla sa bookstore." sabi nito sabay tingin sa lalaking katabi nya. Agad naman syang ngumiti ng matamis at saka iniyakap ang kanang braso sa bewang ng lalaki na ikinalingon nito sa kanya.

          "Mr. Rivera... Kayo pala. Nasa bookstore din pala kayo?" patay malisya nyang tanong dito at saka ngumiti ng matamis. "Nagtext kasi itong kasama ko. Magkikita kasi kami talaga dapat ngayon." bahagya nya pang nilingon ang lalaking sakto naman na may hawak na cellphone. Bago nya ito nakawan ng halik kanina ay nakita nya itong nakatayo sa may entrance ng mall at busy sa pagta-type sa cellphone.

"Boyfriend ko nga pala." dugtong nya. Nilingon nya pa ang binata na sakto naman na nakatingin din sa kanya. Lihim nya itong sinenyasan na umaktong boyfriend nya.

          "Ahh... May boyfriend ka na pala." dismayadong sabi nito. "Anong pangalan?"

          "P-pangalan?" bigla ay kinabahan sya. Ano nga bang pangalan ng lalaki? Napalingon sya saglit sa katabi saka tumingin sa boss at ngumiti.

          "Charlie..." hindi alam ni Carson kung bakit iyon ang unang pumasok sa utak nya na pangalan.

          Pero nagulat sya ng inilahad ng lalaki ang kamay nito para makipagkamay sa kliyete nya.

"Theo."

          Halos mapanganga ang dalaga. Bedroom voice. Nakakalaglag p----. Pero bakit nagpakilala pa ito? Ang sabi nya lang naman, umakto itong boyfriend nya. Wala namang lines na kailangan.

Nakita na lang nya na nakipagkamay din si Mr. Rivera dito pero kunot pa rin ang noo.

          "Ano ba talagang pangalan nya?" tanong ng huli.

          "Theo talaga, Sir," kabadong paliwanag nya. "Yun lang ang tawag ko sa kanya kasi kamukha nya si Charlie."

          "Sinong Charlie?"

          "Yung alaga ko pong manok sa probinsya." mabilis na sagot nya. "Sige, Sir. Mauna na kami sa inyo. Kanina pa kasi nagugutom itong isa eh. Baka magbuga na ng apoy."

          "Sige sige. It's nice seeing you here, Carson." nakita nya pang ngumisi ito sa kanya bago niya hinila ang lalaki sa loob ng mall. Lalo syang kinilabutan. Parang masamang panaginip ang pagngisi ng kliyente sa kanya.

          Nasa loob na sila ng mall ng bitawan nya ang braso ng lalaki.

          "Whooo! Thanks for saving me. Muntik na ako dun!" nakahinga na sya ng maluwag dahil sigurado syang hindi na sya kukulitin pa ng matanda.

          "Who was that? Sugar daddy mo?" sumama ang mukha nya sa tanong ng lalaki.

          "Yuck! Mukha bang papatol ako sa ganun?" just thinking about it makes her sick. "Client ko sya."

"Then why are you avoiding him?"

          "Manyak kasi yun. Palaging nangungulit ng date at kinikilabutan na ako. For goodness' sake, may asawa na syang tao," umiwas sya ng tingin ng magtama ang mga mata nila ng lalaki.

          "And you think what you did will help you push him away?"

          "Of couse! And all it's all thanks to you." tinitigan sya nito at bigla ay gusto nyang maconcious.

          Ripped denim shorts lang ang suot nya na tinernuhan nya ng maluwag na shirt in pale pink. Nakapony tail ang buhok, sneakers at brown na sling bag. Alam nyang mukha syang 16 years old kapag ganun ang porma nya kahit may tangkad syang 5'4.

          "I... uh... I got to go. T-thank you ulit," patalikod na sya ng tawagin sya nito.

          "Carson, right?"

         Alanganing tumango ang dalaga.

         "You said, you owe me."

         Oo nga pala. Muntik na nyang makalimutan iyon. "Yes, of course. Saang restaurant mo ba gusto kumain? My treat."

          "I'm not hungry."

         Napasimangot sya sa sagot nito. Gusto pa yata magdemand ng mas bongga. Sayang, gwapo pa naman. Kaso demanding naman pala.

          "Or may gusto ka bilhin? Polo shirt? Watch? Shoes?" offer nya ulit. Ibibigay nya talaga iyon since tinulungan naman sya nito.

          "Give me your phone."

         Bigla syang natigilan sa sinabi nito. "P-para saan?" kinabahan sya bigla.

          "Just give it to me."

          Nagaalala man ay dinukot nya pa rin ang cellphone mula sa bag at iniabot sa binata. Sana lang ay hindi ito magnanakaw na bigla na lang tatangayin ang phone nya.

           "I'll call you kapag may naisip na akong bayad," sabi ng lalaki. Nagdial ito sa phone nya at maya-maya lang ay nagring ang hawak na cellphone ng binata.

          Bigla ay tumalon ang puso nya sa tuwa. Ibig sabihin ay posibleng magkita pa sila ulit ng poging ito.

           "Hoy, hindi ako gumagawa ng krimen ha." Nagawa nya pang magbiro nang ibalik sa kanya ng binata ang cellphone. "Salamat ulit. See you next time."

          Nakalayo na sya ng lingunin nya ulit ito at tawagin. Hindi pa iyon nakakalayo sa pwesto nila kanina.

          "Theo!" ginamit nya ang pinakamalakas nyang boses para marinig nito. Mukha namang effective dahil lumingon agad sa kanya si Theo. Pero pokerface pa rin. "Sana kapag nagkita tayo ulit, marunong ka na magsmile. Bye!"

          Hindi na nya hinintay ang sagot nito at mabilis na syang tumalikod palabas ulit sa mall. Napangiti pa sya ng maalala ang mukha nito. Gwapo naman kasi talaga.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon