Chapter 7

319 16 7
                                        


Chapter 7

Malapit na sa Lucent si Carson at Theo nang mapahinto sa paglalakad ang dalaga at humawak sa tyan. Dahil doon ay napalingon dito ang binata.

"What's wrong?" he asked.

"Ang sakit ng tyan ko." She said without hesitations. Alangan naman kasi na sabihin nyang ulo nya ang masakit kahit hindi naman.

"Do you need to go to the rest room?"

Mabilis na umiling si Carson. Hindi naman iyon ang nararamdaman nya. "No, malamang hindi lang ako matunawan. I'll go back to the office; I have my medicines there. Babalikan ko na lang ang contract sa ibang araw."

"Can you still drive?"

"Yes. Thank you, Theo. I'll just give your EA a call." Iyon lang at nauna na syang maglakad dito.

Parang pinipiga sa loob ang tyan nya and she needs her medicine immediately. Kaya pa naman nya magmaneho. Hindi na bago sa kanya ang sitwasyon na iyon. Pero dahil nga wala sa kanya ang gamot, kailangan nyang magtiis muna ng kaunting oras.

Mas binilisan pa ng dalaga ang lakad nya pero nagulat na lang sya nang makita sa gilid nya si Theo.

"Do you need me to carry you?"

Nanlaki ang mga mata ni Carson sa narinig.

"Ano ka ba? Hindi na 'no? Makakapagmaneho pa nga ako, lakad pa kaya." Ano bang iniisip ng lalaking 'to? Nakakakilig ang idea pero mukha naman syang shunga noon. Cannot be. Hindi sya damsel in distress.

"Then hurry. I still have time for my meeting. I can drive you back to your office."

Mas lalo yata sumasakit ang tyan nya dahil sa naririnig mula dito.

"Hindi na nga. Bumalik ka na doon sa taas. I can still drive." Mamaya, ma-late pa ito sa meeting at idagdag na naman nito sa atraso nya.

"Can't you just do as I say? Mas lalo tayong nagtatagal." He said with an irritated voice. Matapos noon, nauna na itong pumasok sa building.

Naiwan namang nakatulala si Carson sa labas. Bakit parang kasalanan pa nya? But as usual, she didn't have a choice but to follow him. They ended up at the vertical parking at the basement. Sasakyan ni Theo ang ginamit nila.

Minutes later, they were already on the road.

"Can you still take it?" Theo asked. Kanina pa palipat lipat ang tingin nito sa dalaga.

Tumango lang si Carson bilang sagot. Nahihiya na sya sa binata dahil kailangan pa nitong mawitness ang sitwasyong iyon. Kailangan pa tuloy nitong sumuong sa traffic para lang ihatid sya.

Pero hindi naman nya iyon hiningi. It was his idea and he insisted it.

"Does this happen to you often?"

Muling tumango ang dalaga.

"Do you want to take you to the hospital instead?"

"Hindi, ano ka ba? Simpleng kabag lang 'to. May gamot nga ako sa office. Normal na 'to sakin."

Masyadong OA naman na magpapaospital pa sya.

"Ang dami mo kasing nakain," he commented.

"Sabi ko naman sayo, normal na kain ko iyon. Hindi ako nabubusog sa isang serving lang."

Nanahimik naman si Theo matapos syang titigan. Nag focus na lang ito sa pagmamaneho. Tumingin naman sa labas ng bintana si Carson habang pasimpleng hinihilot ang tyan. Hindi sya makapaniwala na sa loob ng ilang oras, marami na agad nangyari. From the scene she witnessed from Theo's office to this embarrassing situation she's currently in. Napansin nya lang, kapag nasa paligid ang lalaking ito, nagiging roller coaster ang mundo nya bigla.

Love Me AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon