Chapter Fifty-Eight

189 2 0
                                    

Maaga akong nagising sa sumunod na araw para ipaghanda ng breakfast ang mag ama. Nakasanayan ko na din itong gawin mula ng tumira ako dito. Reige taught me how to cook. Magaling siyang magluto at hindi mapagkakailang masasarap ang bawat luto niya. Noong unang araw ko dito ay hiyang hiya ako dahil wala akong alam lutuin at pinapanood ko lang siya noon. I sighed. Kinuha ko ang bacon at eggs sa ref para makapagluto na. Gustong gusto ni Odrea ang bacon kaya kahit ito lang ang kainin niya ay masaya na siya doon.

Pakanta kanta na may kasamang sayaw pa ako nang may tumikhim sa likod ko. Nilingon ko iyon at nakita si Reige na nakahilig sa may pintuan ng kusina at nakangisi habang walang saplot kundi iyong boxer niya lang. This is not the first time I see him topless but darn, hindi pa din ako nasasanay.

"Goodmorning, Sam..." Aniya at lumapit sa akin at hinagkan ako sa noo.

Napapikit ako at napakagat ng labi. This is our first day as a couple.

"Goodmorning." Ngiti ko sa kanya.

"I'll wake Odry up." He said.

Tumango ako at tinalikuran niya ako. Ngayon ay ang likod niyang malapad ang nakikita ko. Napalunok ako at nag iwas ng tingin. Naglagay ako ng tatlong pinggan at baso sa mesa.

Ilang sandali pa ay dumating na ang dalawa. Nakita kong humikab si Odrea at antok na naglalakad papuntang kusina. Ngayon ay nakat-shirt na si Reige.

"Goodmorning baby!" Bati ko kay Odrea.

Nilapitan niya ako at hinalikan sa pisngi. "Goodmorning, mama. I'm still sleepy." Aniya at humikab uli.

Iniupo siya ng Daddy niya sa upuan. Tumabi ako sa kanya.

"Baby, c'mon, it's your second day today." Ngiti ko sa kanya at inilagay sa likod ng tainga niya iyong buhok niya.

Tumango lamang siya pagkatapos ay nag simula ng kumain. Ganoon din kami ni Reige. Nilagyan niya ng pagkain ang pinggan ko.

"U-uh, thanks." Sabi ko.

Tumango lang si Reige at pagkatapos ay nag simula ng kumain. Sa gitna ng pagkain ay tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya iyon nang nakakunot ang noo pagkatapos ay binalingan niya ako.

"Si mommy." Aniya.

Tumango ako. "Go, take the call. Baka importante." Sabi ko.

Tumango din siya at sinagot ang tawag sa harap ko. "Ma. What is it?" He asked.

Nilingon ko si Odrea na tamad kumain at halos napapapikit pa. "Odry, please, eat." Sabi ko at nilingon ang Daddy niyang nakatingin din sa amin na nakakunot ang noo.

"Ma, I already told you. Kuya can handle the business there." Suminghap siya.

Kinagat ko ang labi ko at nag iwas ng tingin. Her mom really wants him to handle their business in the Philippines ngunit ayaw ni Reige ng dahil lang sa akin. I can live here alone, anyway. I've lived here without anyone by my side. Nagawa kong tumayo sa sarili kong mga paa. I sold my condo pagkatapos ay binalik ko kay Daddy ang pera na nagastos niya. I sighed. I miss my Dad. I haven't talked to him for years. Ni hindi niya ako kinakamusta kapag kausap ko si mommy. He's still mad, alright. Kumirot ang puso ko ng maalala ang nangyari...

"I can't Ma, nag aaral din dito si Odry..." Sabi ni Reige at tumingin kay Odrea.

Suminghap si Reige pagkatapos ay tumikhim bago tumingin sa akin at inilahad ang cellphone niya. Kumunot ang noo ko. "She wants to talk to you." Aniya.

Lumunok ako bago tumango at kinuha ang cellphone mula sa kamay niyang nakalahad sa akin.

Her mom is nice but we barely talk to each other. Siya iyong tipo ng tao na seryoso sa lahat ng ginagawa.

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon