Binuksan ko ang pintuan papuntang balcony para sana dungawin sya ngunit narinig ko ang tunog ng sasakyan nya at nakita kong pumasok na sya sa kotse nya. Pinaharurot nya iyon. Kumunot ang noo ko. Anong ginagawa nya dito?
Bumalik ako sa kwarto ko at chineck ang cellphone ko. Nakita kong full charge na iyon at may isang text doon galing kay Rafael. Agad ko iyong binasa.
Rafael:
Loui, I'm on my way. Is mommy still there?
Oo nga pala! Nadito nga pala si Tita! Pumunta ako sa office ni mommy habang nirereplyan si Rafael.
Ako:
Uh. I don't know. I'll check if she's still here.
Binuksan ko ang pintuan ngunit wala na doong tao. Bumaba ako at doo sa living room ko nakita ang dalawa, nagkekwentuhan.
"We should visit our lands in Palawan." Anang mommy ni Rafael.
Tumango tango si mommy at sumimsim ng kape. "Kagagaling lang namin doon ni Luis. Maybe next month we'll go there again. Gusto mong sumama?" Tanong ni mommy.
Ngumiti naman si Tita "Okay. Wala din naman akong ginagawa."
"Oh. That's good. We can go with the kids. Tutal ay october na next month at sembreak na iyon-"
Tumikhim ako. Napatingin sila sa direksyon ko. "Oh hija" sabi ni Tita.
"Tita, p-papunta na po dito si Rafael. S-sabay na daw po kayo mamaya." Sabi ko nang nauutal.
"Oh, really? Okay then." Malaking ngisi ang ibinigay nya sa akin.
"We were talking about sa pag punta sa palawan next month. You and Rafael must go with us. Para makita nyo na din yung lupa doon" ani mommy.
Tumango ako "yes, I heard everything my, uh sige po. Okay lang po sa akin." Sabi ko.
Narinig kong may nag doorbell, ilang minutong nakalipas ay bumungad sa amin si Rafael. Tumayo si Tita para salubungin sya. Hinalikan sya ni Rafael sa pisngi.
"Rafael. How's school?" Tanong ng mommy nya.
Tumingin sa akin si Rafael at ngumiti. Ngumiti din ako pabalik. "Good." Aniya at binalingan ang mommy nya. "Hi po Tita" bati nya kay mommy.
"Hi Rafael." Ngiti pabalik ni mommy.
Lumapit sya sa akin at narinig ko ang pagtikhim ni mommy habang si Tita naman ay ang laki ng ngisi. Uminit ang pisngi ko. "Kumain ka na ba?" Tanong nya.
Umiling lang ako "Ikaw ba?"
"Hindi pa din" sagot nya.
"Sabay na kayong kumain. May pagkainna doon. Don muna kami ng mommy mo sa garden, Rafael" nakangiti pa rin si mommy.
Tumango si Rafael. Umalis sina mommy papuntang garden. Naiwan kami ni Rafael doong nakatayo. Ilang sandali ay niyaya ko na sya sa kusina.
"Hindi ka ba pupunta kina Sabrina?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.
"I'll go there tomorrow. Sinabi kong busy ako ngayon. You wanna go with me?" Tanong nya at uminom ng tubig.
Nung una ay nag aalangan pa akong sumama ngunit gusto ko ding makita at kamustahin si Sabrina.
Kinabukasan, ng nag hapon ay dumiretso kami sa bahay ni Sabrina. Malayo iyon sa school. Isang oras at kalahati din kaming nag byahe. Tiningnan ko ang oras at 7.30pm na pala.
Naaninaw ko ang nakangiting si Sabrina sa may pintuan nila ng papasok kami sa gate nila. It's my first time to be here. Nag tama ang tingin namin ni Sabrina at unti unting nawala ang ngiti nya. Suminghap ako. Nilingon ako ni Rafael.