Nakarating kami sa ospital na iyon. Hindi muna ako bumaba. Huminga muna ako ng malalim. Halos isang buwan din syang na comatose.
Bumaba si Rafael at pinagbuksan ako ng pintuan, ngunit tiningnan ko muna sya bago ako bumaba.
"Why?" Tanong nya.
Umiling ako "w-wala, let's go?" Sabi ko at nginitian sya.
Tumango naman sya at inilahad ang kamay para imuwestra na ako muna ang maglakad. Naglakad ako at sinabayan nya naman. Sinulyapan ko muna ang gusali bago pumasok. Thanks God, she's finally awake.
Tahimik naming tinatahak ang papunta sa room ni Sabrina. Sinulyapan ko pa ng isang beses si Rafael kaya naman binalingan nya ako at nginitian.
Nang makarating kami sa pintuan ng room nya ay binuksan ni Rafael ang pinto. Pag bukas ng pinto ay si Sabrina agad ang nahagip ng mga mata ko. Nakaupo sya sa kama habang hawak naman ng mommy nya ang kamay nya.
Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Sabrina at bahagyang nanlaki ang mga mata ng makita kami ni Rafael. Ngunit agad din iyong napalitan ng madilim na ekspresyon. Nilingon din kami ng mommy nya at nakita namin ang ngiti sa labi nya.
Lumapit kami sa kanila. Si Rafael naman ay napansin ko ang titig kay Sabrina.
"Sabrina..." Pagtawag nya dito.
Kumunot ang noo ni Sabrina. "Mom? Who are they?" Tanong nya sa mommy nya na nanlaki ang mga mata.
Nagulat ako sa sinabi nya. Kahit si Rafael ay natigilan at napaawang ang labi.
"Sabrina! Rafael's your boyfriend! Don't joke around-"
"I-I'm not joking, mom. I don't really know them." Sabi nya at tiningnan kami ni Rafael.
Tiningnan ko din sya pabalik. Ni hindi ko iniwas ang aking tingin sa kanya. Sa titigan naming dalawa ay nauna syang bumitaw. Nag iwas sya ng tingin. Napansin ko ang lungkot sa mata nya. Gulat pa rin ako sa mga sinasabi nya. Kahit si Rafael ay ganon din ang reaksyon.
"I'll call the doctor" sabi ni Mr. Cojuangco at nagtungo sa labas.
Natira na lang ay kaming apat. Napansin ko ding wala dito si Kristoff.
"Sabrina. What's happening to you? Don't you really remember them?" Tanong nya sa anak nya.
Umiling si Sabrina ngunit hindi umimik. Napabuntong hininga ang mommy nya at binalingan kami ni Rafael.
Nilingon ko si Rafael na ngayon ay nakatingin pa rin kay Sabrina. Ilang minuto pa ay dumating na ang doctor. Chineck up nya si Sabrina. Pag katapos nyang icheck ay lumabas ang doctor kasama ng daddy at mommy nya. Naiwan kaming tatlo doon.
"Inaantok ako. Can I rest?" Agad nyang sambit sa amin ni Rafael ng makalabas ang magulang nya.
"Okay. We'll be come back here, Sab. I'm glad your fine now" sabi ni Rafael at nilapitan si Sabrina.
Natigilan si Sabrina sa sinabi ni Rafael. Nakita ko ang pagkuyom ng panga nya at ang paglunok nya. "Uh. T-thanks. Just please close the door paglabas nyo. Thanks" sabi ng nakangiti at humiga.
Tumango na lang si Rafael. "Tara na Loui." Sabi nya at hinila ako palabas ng kwarto nya.
Bago pa kami makaalis ng hospital ay nakasalubing namin ang magulang nya. Natigilan kami sa paglalakad. Ganon din ang magulang ni Sabrina.
"Tita, Sabrina wants to rest. Babalik na lang kami ni Loui bukas. Ano po pala ang sabi ng doctor? Is she stable now?" Tanong nya.
Tumango ang mommy nya "Yes she's stable now, but..." Huminga muna sya bago ituloy ang sasabihin "she has amnesia" aniya at nag iwas ng tingin.