Chapter Twenty-Two

239 3 0
                                    

Nagulat ako ng lingunin ko kung sinong humahagulhol sa likod ko. Nathalia's here! Nakita nya ang video. Agad ko syang nilapitan at niyakap.

"It will be deleted okay? D-don't worry..." Paninigurado ko sa kanya habang hinahaplos ang likod nya.

Umiling sya "I shouldn't have done that. Fuck!"

"Nareport na namin yung video. I'll call Ethan to hack that account" sabi ni Joey sabay kuha sa cellphone nya at dinial si Ethan.

Naupo si Nathalia sa kama nya at pinunasan ang luha nya. "Sino naman kaya ang mag aupload ng video na iyon? At sino ang nag video? Sa dami ng tao sa bar nung gabing iyon panigurado na hindi lang isa ang meron ng video na iyon" sabi ni Cassy.

Sino nga kaya? Sigurado ajong kilala namin iyon. Pero sino? And why did she/he do that to her? I will find out.

Nag stay pa kami sa bahay nya ng ilang oras. Nag pasundo na sina Cassy at Chloe sa kanilang mga drivers dahil may gagawin pa daw silang dalawa at naiwan kami ni Joey.

"I'll go back to school tomorrow" napalingon kami kay Nathalia.

"You sure?" I asked.

She just nodded. Pagkatapos naming mag usap ay napag desisyonan na naming umuwe ni Joey. Nag paalam na kami kay Nathalia.

Kinabukasan ay maaga kaming pumasok ni Joey para lang maabutan si Nathalia sa cafeteria kasama si Cassy. Pagkapasok namin ay halos lahat ay nakatingin sa kanya at may iilang taong nag bubulungan...

"So... It was her, right? Grabe lang"

"OMG! I never thought she could do something like that. Gosh."

"Ang landi!"

Iilan lang iyon sa mga narinig ko. Tiningnan ko sila ng masama at nagsalita "Care to shut your dirty mouth up?" Mataray kong sabi. Nilingon ako nung mga babae at nanlaki ang mga mata.

"L-louise..." Nanginginig ang boses ng babae ng banggitin ang pangalan ko.

"Oh, so you know me huh?" Nakangisi kong tanong kahit bwisit na bwisit na ako sa mga to.

Napayuko ang babae at pinasadahan ko sila ng tingin at tsaka sila iniwan doon. Umirap ako sa ere. Of course they know me. Or maybe the old me...

Nagmartsa kami ni Joey patungo kina Nathalia na tila walang pakialam sa paligid. "Loui... You shouldn't have done that. Sana ay hinayaan mo na lang" kalmado nyang sabi.

How can she be that calm lalo na at madami ang matang nakatingin sa kanyan ngayon?

Naupo ako sa harap nila at tumabi sa akin si Joey. "They were talking about you Nath! I heard what they said. And you know I don't tolerate those bullshits." Mariin kong sambit.

Ngumiti si Nathalia "People will always have something to say. So what's the point?"

"God Nathalia. Can't believe you're saying these things. Kailangan ka pa natutong hayaan ang mga taong pag usapan ka?" Sabi ko. Hindi sya ganyan dati. I know her.

Nilingon ko si Joey na parang walang pakialam sa amin at nakahawak lang sa cellphone nya habang si Cassy ay tahimik na nakikinig sa amin.

"May mga bagay na minsan nagbabago, minsan naman nananatili. I just learned how not to give a damn. So... Let's just eat?"

Hindi ko sya maintindihan. Kahapon ay iniiyakan nya iyon tapos ngayon wala na syang pakialam? Nababaliw na ata ang kaibigan ko! Hindi na ako nakipagtalo at umorder na lang ng pagkain.

Habang kumakain ako ay nahagip ng paningin ko si Rafael, he's with Sabrina, of course! Nahagip ni Rafael ang tingin ko. Kumunot ang noo ni Sabrina at binalingan kung sino ang tinitingnan ni Rafael. Nang makita nya ako ay ngumiti sya at kumaway. Nag martsa sila palapit sa amin. Shit!

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon