Chapter Fifty-Three

177 2 0
                                    

Nag aalab ang galit sa dibdib ko. Nathalia kept on saying me to calm down but I just couldn't. How could she tell me to calm down? Who would be calm if you saw your boyfriend hugging her ex in public? Ang dugo sa aking katawan ay tumaas papunta sa aking mukha.

Nakita kong bumitaw si Rafael mula sa pagkakayakap kay Aura nang mahagilap ng mga mata niya ang presensya ko. Damn! You shouldn't hug your ex, Rafael! Ang buong akala ko ay magugula siya nang makita ako ngunit nagkamali ako nang lapitan niya ako gamit ang madilim na ekpresyon. I saw Aura looked at me. Ang mapupula niyang labi ay tiim na tiim.

"Loui, What are you doing here? I told you to stay at school-"

Tiningnan ko lang si Rafael pagkatapos ay nilagpasan.

"How dare you hug my boyfriend!" Sabi ko at hinagip ang buhok ni Aura.

Wala akong pakialam kung nasa labas man kami at pag tinginan ng mga tao. Wala akong pakialam kung may makakita man sa aking kilala ako o kakilala sina mommy at daddy at bukas ay pag usapan ako. Ang alam ko lang ay galit ako! Wala akong pakialam sa aking paligid. Ang gusto ko lang ay masaktan itong babaeng nasa harapan ko.

"Loui!" Halos magpakapanabay na sigaw ni Nathalia at Rafael.

Hindi ako natinag. Hindi ko sila nilingon, alam ni Nathalia na kung aawatin niya ako ay madadamay siya sa galit ko. Alam niya iyon dahil nagawa ko na ito dati at alam kong hindi ako aawatin ni Nathalia dahil makikisali pa iyan pag nagkataon.

Naramdaman ko ang dalawang kamay na humihila sa akin palayo kay Aura. Aura wasn't fighting back. Ano ito? Umaastang anghel sa harap ni Rafael?

Nang makabitaw ako ay niyakap siya ni Von. I didn't know they're close!

"What the hell?!" Wika ni Aura habang nakahawak sa kanyang buhok.

Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak ni Rafael ngunit masyado siyang malakas para makawala ako sa bisig niya. Itinuro ko si Aura na ngayon ay umiiyak.

"Oh please! Kulang pa iyan sa ginawa mo sa akin at sa kaibigan ko! Huwag kang makaiyak iyak diyan! You are not a good actress so stop acting like a good one!" Sigaw ko at patuloy pa ring nagpupumiglas.

"Loui! Let's go!" Ani Rafael.

Pinilit kong humarap sa kanya at bahagya siyang itinulak. Nang sa wakas ay naitulak ko siya ay lumipad ang aking palad sa kanyang pisngi.

"Shit!" Narinig kong wika ni Nathalia sa likod ni Rafael.

"Isa ka pa! Kaya pala ayaw mong ipasundo kita dahil magkikita kayo ng malanding iyan!" Itinuro ko uli Aura na nakayakap na kay Von.

Hinawakan ako ni Rafael sa dalawang braso. "Loui, Listen... Hindi ako nakipagkita sa kanya-"

"At kinakampihan mo pa iyang babaeng iyan?" Naiiling kong wika.

"I-I was with Von, Louise-" wika ni Aura na agad kong pinutol.

Humarap ako. Naiirita ako sa boses niya! Naiirita ako sa presensya niya!

"I am not asking your opinion, so shut your fucking big mouth up! Ang landi mo! Alam mo na ngang may girlfriend na, lumalapit ka pa!" Sigaw ko sa kanya.

"Hindi ako nagpunta dito para makipag away. I'm here to apologize-"

Nilapitan ko uli siya at sinampal. "Are you kidding me? Sa galit ko sayo ay kulang pa ang sabunot at sampal na inabot mo! Ang kapal ng mukha mong yakapin ang boyfriend ko! Ang kapal ng mukha mong umiyak sa harapan ko!-"

"Louise Samantha! You are too much!" Natigilan ako sa pag sigaw ni Rafael.

Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Nag igting ang kanyang panga at mabilis ang kanyang paghinga. Kahit ako ay naghahabol din dahil sa pag sigaw ko sa babaeng iyon! Nang gigil pa din ako!

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon