Nang makarating kami sa bar ay halos wala ka ng madaanan sa sobrang dami ng tao. Fiamma ang pangalan ng bar na ito. Madalas ako dito dati. Pero simula noong araw na iyon ay hindi na ako nag pupunta dito. Madami din ang nag bago sa bar na ito. Siguro ay ni renovate ito.
"Asan na ba sila?" Napatingin ako kay Joey na palinga linga na tila may hinahanap.
"Who?" Tanong ko.
"Gosh Loui! The gang! Sino pa ba?" Sabi nya at inirapan ako.
Hindi na ako nag salita at pinagmasdan na lang ang mga taong nasa dance floor. Medyo nagiging wild na din ang mga kanta. Alas 9 pa lang pero bakit mga lasing na agad ang mga ito? Kadalasan ay alas onse pa ng gabi nagkakasiyahan dito. Napatikhim ako at napagtanto na marami na talaga ang nag bago dito.
Tinahak namin ang dance floor para makarating sa kabilang table. Nakita namin ang ilan sa mga kaibigan namin.
Nasa likod lang ako ni Joey.
"Oh there you are!" Sigaw ni Chloe at napatingin sa likod ni Joey. Para syang nakakita ng multo at nanlaki ang mga mata. "Oh my god! Louie! I missed you, girl!" Sigaw nya at tumakbo palapit sakin at niyakap ako. Niyakap ko din sya pabalik.
Magkaklase kami sa ilang subjects but we never had the chance to talk. Kahit pa ka schoolmate ko rin ang mga kaibigan ko ay hindi naman nila ako nahahagilap sa school dahil parati akong nag iisa o kaya naman ay madalas na nagmamadaling umuwi. Si Joey lang ang nagagawa akong kausapin kahit sabihin ko mang gusto kong mapag isa.
Napangiti na lang ako sa ginawa nya. "I missed you too, Chloe" sabi ko.
"Back to the old you?" Sabi nya na at pinataas baba ang kilay.
"Pinilit lang ako ni Joey" sabi ko sabay tingin sa kanya na ngayon ay nakikipag usap na sa iba pa naming kaibigan.
"Ah yeah" sabi nya at hinila ako palapit sa table. "Guys! Look who's here!" Excited nyang sabi.
Nagulat din sila ng lingunin nila kami ni Chloe. Ilang segundo pa silang nakatingin sakin tsaka nag salita.
"Loui!" Bati ni Nigel sabay tayo at inilahad ang mga braso nya na tila naghihintay na lumapit ako at yakapin sya. So I did.
"Nigel!" Nakingiti kong sambit.
"I missed you.. so much" he whispered.
Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na may gusto sya sakin. Umamin na rin sya isang beses pero tinanggihan ko iyon at binalewala dahil si Matthew ang mahal ko. Kaibigan din sya nito.
"I missed you too, Nigel" sabi ko.
Bumitaw ako sa pagkakayakap ko sa kanya at tiningnan ko ang mga mata nya. Kitang kita ko ang saya na nararamdaman nya ngayon. Ngumuso ako at nag iwas ng tingin.
Tumikhim sya at itinuro ang bakanteng upuan. "Dun ka na umupo sa tabi ko." He said. I just nodded.
Madami pa ang bumati sakin at kinamusta ako. Ang dami din nilang tanong. Halos mahilo ako sa sobrang dami.
Maya maya ay omorder na sila ng mga hard liquors at beer. Matagal tagal na din akong hindi umiinom. 14 ako nung nag simulang uminom. Hindi naman ako rebelde. Gusto ko lang talagang ma experience lahat. 14 din ako nung nakilala ko si Matthew. Pero 16 ako nung naging kami.
Nag umpisa kaming mag inuman hanggang sa magkatama na ang mga kasama ko. Ako naman ay hindi uminom. Hindi ko kaya. Pinagbigyan ko lang sadya si Joey.
"Ihahatid na kita, Loui" pag pepresenta ni Nigel.
Umiling ako "No, Nigel. Pwede naman naming tawagan iyong driver ni Joey." sabay turo ko kay Joey na ngayon ay nasa dance floor at may kasayaw na lalaki.