Hindi ako makagalaw. Para akong naparalisa na nakatitig lang sa kanya. Narinig nya ang usapan namin ni Joey base sa reaction nya. Bakit hindi sya napansin ni Joey? No. No.
"R-rafael. K-kanina ka pa b-ba dyan?" Tanong ni Joey.
Binalewala iyon ni Rafael na nakatitig lang sa akin "W-what did you say, Loui?" Sabi nya at unti unting lumapit sa akin.
Nang sa wakas ay nagawa ko ng kumilos ay umatras ako at nag iwas ng tingin "I-It's n-nothing" sabi ko ng nauutal habang umiiling.
Umiling ako "I heard everything. Totoo ba iyon?" Tanong nya ng makalapit sya sa akin.
Anong sasabihin ko? Narinig na nya ang lahat. Mag sisinungaling pa ba ako? Hindi ako umimik. Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula. Ititikom ko na lang ang bibig ko at kung nalaman nya man iyon ay wala na akong magagawa.
"Loui. Answer me. Please. I want to hear it again. I want to hear it from you." Desperado nyang wika.
"I-I'll wait you inside the c-car" singit ni Joey at tsaka dumiretso sa kotse ni Rafael. Hindi ko alam kung naka lock ba iyon o hindi dahil hindi nya na kinuha ang susi ni Rafael ngunit nasagot din iyon nang narinig ko ang pagkalabog nito.
"F-forget about what you h-heard. Just.." Pumikit ako at hindi ko alam ang sasabihin.
Umiling sya "No. No. Say it again. Please. Just say it again..." Sabi nya habang nakahawak sa dalawa kong braso.
Pumikit ako at dinilat ang mga mata "So what if it's true? So what if everything you heard is true? So what if I'm hurting right now? Nothing will change Rafael!" Pasigaw at naiiyak kong wika sa kanya.
Nanlaki ang mga mata nya "I-I'm s-sorry. I-I didn't know. I don't want to see you hurt Loui..." Sabi nya sabay yakap sa akin.
Bumitaw ako sa pagkakayakap nya at tinulak sya "It's okay. Just forget everything you heard. Be happy with Sabrina." Ngiti ko sa kanya kahit nasasaktan na.
Umiling sya "Why the hell do you always push me away, Loui? Will you stop pushing me away? Kahit anong tulak mo sa akin ay sayo pa rin ang punta ko. Now tell me Loui. Mahal mo ba ako?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong nya. Bakit nya ako tatanungin ng ganito kung narinig nya ng lahat? Naalala kong wala naman kaming nabanggit ni Joey sa usapan na mahal ko sya ngunit naalala kong sinabi nya na nasasaktan ako.
Umiling ako "It doesn't matter anymore. I wanna go home." Sabi ko at nag diretso sa kotse nya.
Ngunit bago pa ako makarating ay hinila nya ako sa braso. "You're not going anywhere Loui. Just answer my question Loui. Please."
Hinarap ko sya at hindi na napigilan ang sarili "Oo mahal kita! Ano masaya ka na?" Sigaw ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata nya at tumulo ang luha sa kaliwang mata nya "Do you know how miserable I was? Ilang beses mo akong pinagtulakan noon at sa tingin mo papayag pa ako ngayon na gawin mo ulit iyan?" Sabi nya.
What? Is he crazy? Anong ibig nyang sabihin? Anong balak nya? He's committed for Pete's sake!
"No. You are not going to leave Sabrina, Rafael. No." Umiiling na wika ko.
Narinig ko ang pag hagulhol ng isang tao kaya naman napatingin ako sa direksyon na iyon. Nanlaki ang mga mata ko. Sabrina's here. She's crying! Shit! Ano bang meron ngayong gabi at lahat na lang may nakakarinig?
"S-Sabrina..." Sambit ko.
Nilingon iyon ni Rafael at hindi agad kumilos. Nilapitan ko si Sabrina ngunit tiningnan nya lang ako habang umiiyak.