Agad kong nilapitan si Nigel na dumudugo ang labi. What the heck?
"What happened?!" Pagalit kong tanong.
Sandali lamang akong nagpunta sa cr tapos paglabas ko ay ganito na ang maabutan ko!
"Ano bang problema mo?" Tanong ni Nigel kay Rafael habang nakahawak sa labi niyang may dugo.
Bumaling ako kay Rafael. Kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Para bang nag aapoy iyon sa galit.
"Oh c'mon! Parang hindi mo alam kung bakit ko iyan ginawa sayo!" Sabi ni Rafael.
"What the hell just happened?" I asked again.
"Yang gagong yan! Binabastos ka na! Hindi mo pa alam!" Sigaw ni Rafael sakin. Nagulat ako sa sigaw nya at tinitigan.
"What? Nigel is my friend! Hindi nya gagawin yon saki-"
"He just did, Louise! Nakita ng mga mata ko ang ginagawa nya kanina. Hanggang sa makapunta ka ng cr. Kulang na lang hubadan ka nya!" Pag putol sakin ni Rafael.
Oo nga at bigla akong inakbayan ni Nigel kanina. At yung mga titig nya, iba na, pero hindi nya sana ginanito si Nigel. He didn't even touch me. Akbay lang iyon at para sakin ay wala lang iyon. Anong problema ng isang to?
"Rafael, hindi nya ako binastos okay? You're just overreacting! Ano bang problema mo?" Tanong ko.
Napangiwi sya sa sinabi ko. Hindi na sya nagsalita at tinitigan lang ako. Nag iwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang makipagtitigan katulad ng ginagawa nya. Pumiglas sya sa dalwa kong kaibigan na nakahawak sa kanya at tinalikuran kami.
Did I piss him off? Nagalit ba sya dahil hindi ko sya pinaniwalaan? Urgh! The hell I care. We're not even friends! Pinilit lang naman ako ni Mommy!
Bumaling ako kay Nigel na pinupunasan ang kanya dugo sa labi gamit ang thumb nya. "Are you okay?" I asked.
He nodded "Listen, hindi kita binastos okay? Ang oa lang ng lalaking iyon! Akala nya siguro ay binastos kita dahil bigla na lang kitang inakbayan." Sabi nya.
"Don't mind him. Siguro ay ganon lang talaga sya." Sabi ko.
"I'm sorry for ruining your party" sabi nya.
"Oh, don't be. Sya ang sumira nito" sabi ko.
Nang matapos ang party ay dumiretso na kami sa bahay. Madami din akong kasama pauwe. Siguro ay dalwang guest rooms ang gagamitin o isa na lang.
"Yung mga girls sa room ko na lang tas yung mga boys sa guest room okay?"
"May inumin pa ba sa inyo?" Nathalia asked. One of my girl friends.
"Always" sabi ko.
Kaya ng dumating kami ay dumiretso kami sa garden at dun nag inuman.
Omorder kami ng ilang box na pizza.
"Joey.." Sabi ko ng makitang napapapikit na sya. Hindi ko alam kung antok na sya o lasing na. "Okay ka lang ba?" Tanong ko.
She nodded "Yea. I'm fine" sabi nya gamit ang lasing na boses at tumawa.
Anong problema ng isang to at tumatawa pa sya sa itsura nya?
"No. You are drunk. Ihahatid na kita sa room" sabi ko. Tumayo ako at hinila sya.
Hindi naman na sya nag papigil at nag padala na rin sa hila ko.
Nang makarating kami sa kwarto ay inihiga ko sya ng ayos.