Chapter Nine

328 4 0
                                    

Simula ng araw na iyon, ilang linggo na ang nakalipas ay mas naging malapit kami ni Rafael sa isa't isa. Hindi naman siya ganoon kahirap pakisamahan tulad ng first impression ko sa kanya. Lagi na kaming magkasama sa school. Minsan ay kasama kami ng mga kaibigan ko, minsan naman ay para kaming may sariling mundo. Napag alaman ko na anak pala sya ng CEO at nag invest sila sa company namin. Sa ganitong edad ay tinitrain na siya ng Daddy niya. Samantalang ako ay kinakabahan tuwing napag uusapan namin iyon nina Daddy.

Minsan niyayaya nya akong lumabas ng kaming dalawa lang. Kumakain kami sa labas but I don't think it's a date. Siguro ay ganon lang sya sa mga kaibigan nya.

"Are you two.. dating?" Tanong sakin ni Joey isang beses na kumakain kami sa cafeteria.

Umiling lang ako "No. Ano ka ba Joey? We're just friends. Nothing more, nothing less." I said.

"Uh. I see. Friends nga lang naman kayo. Magkaibigan na laging lumalabas ng kayong dalawa lang. Mag kaibigan na laging magkasama at halos hindi na mapag hiwalay." Pang aasar ni Joey. Tinitigan ko sya ng matalim "Uh. Where is he, by the way?" She asked.

"May klase pa sya." tipid kong sagot.

"Wow ha. Alam na din pati schedule?" Natatawang tanong ni Joey.

Matalim ko siyang tinitigan. I know what she's thinking and she got it wrong.

"Stop it Joey!" Sabi ko.

Hindi na sya nagsalita dahil biglang dumating sina Nathalia.

"Hi girls! Anong meron?" She asked.

"Nothing." Sagot ko.

"Yea." Sabi ni Joey ng nakangiti pa rin.

"What's with that smile, Joey?" Nathalia asked na parang naguguluhan.

"Wala naman. Kumain ka na nga lang Nathalia. Ang dami mong tanong." Sabi ni Joey at binalingan si Nathalia.

"Easy there, girl." Sabi ni Nathalia at naupo. Naupo na din sina Chloe at Cassy.

Nagkwentuhan lang kami ng kung ano ano habang kumakain. Bigla namang dumating sina Nigel.

"Hi girls!" He said sabay upo sa tabi ko at inakbayan ako.

Agad ko namang inalis yon "Nigel!" Sabi ko.

Napangisi sya at nag salita "What?" He asked.

"Ginagago mo ba ako? Itatanong mo pa eh obvious naman na!" Sabi ko.

"Uh. The old Louise Samantha Madrigal is back.. so bad." Sabi nya ng nakangiti pa rin.

"Ewan ko sayo." Sabi ko na lang.

Tiningnan ko ang cellphone ko at nakita ko ang ilang mensahe ni Rafael.

Rafael :

Loui. Where are you? Tapos na ako sa klase ko.

Loui. Bakit hindi ka nagrereply? Are you busy?

Hindi ko na binasa ang iba pa nyang txt at nag madali ng replyan yan sya. Ngunit bago pa ako makapagtxt ay tumawag na sya.

"Hello, Loui. Where are you? Why aren't you answering my txts?" Tanong nyang nag aalala.

"Rafael. Nadito ako sa cafeteria. Hindi ko napansin na nagtxt ka pala. I'm sorry. Where are you?" Tanong ko sa kanya.

"Alright. I'm coming" Sabi nya.

"Okay." Sabi ko at binaba ang tawag.

Napansin kong nakatingin sila lahat sakin. Pero binalewala ko iyon.

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon