"Sam, this is Mr. Velasquez" Naramdaman ko ang braso ni Reige na pumulupot sa aking beywang.
Napatingin ako kay Reige at nakitang nakakunot ang kanyang noo dahil sa pinakita kong reaksyon. Ngumiti ako ng pilit at binalingan muli ang nakatitig sa aking si Rafael. Hindi ko alam kung maglalahad ako ng kamay o ngingiti na lamang ngunit sa huli ay naglahad ako ng kamay. Kumunot ang noo niya at ilang sandaling tinitigan ang aking kamay bago tanggapin iyon. Fuck! He's really here! Siya talaga ito!
Damn! I can't believe he's in front of me right now, investing in Reige's family company! Of all the people, siya pa iyong ka meeting ni Reige? And why am I so damn affected? Gosh Loui! Tumigil ka!
But hell! Iyong galit ko ay umusbong at ang mga alaala ng nakaraan ay bumalik! Gusto ko siyang sampalin ngunit hindi ko magawa dahil nadito si Reige. Gusto ko siyang saktan ngayon! Nag alab ang galit sa aking puso at sa halip ay magwala dito ay nanatili akong kalmado. I won't make a scene here kahit kating kati na ang kamay ko!
Tumikhim ako bago magsalita. "Nice to meet you, Mr. Velasquez." Nabigla ako nang hindi man lang nanginig ang aking boses sa mga binitawang salita at nagawa ko pang ngumiti kahit pilit lang iyon.
Reige obviously doesn't know he's my ex and I won't tell him about Rafael. What for? He's just part of my past that I should forget. The guy who hurt me the most not only once but God knows how many times...
Kinalas ko ang kamay niya mula sa aking pagkakahawak. Hindi siya sumagot at nakatitig lamang siya sa akin na para bang sinusuri ang mukha ko. Mula sa pagkabigla ay nakita ko ang galit sa mga mata niya. Nag igting ang bagang niya. Bakit siya mukhang galit? Anong ikakagalit niya gayong siya naman itong nangloko?
"So... Mr. Velasquez, see you in our company tomorrow?" Wika ni Reige at naglahad ng kamay kay Rafael.
Binalingan niya si Reige at unti unting tumango. "Yes, Mr. Soriano." At tinanggap ang kamay ni Reige.
Ganoon din ang ginawa ni Reige sa dalawa pang nadoon.
"So, we'll go first. Family date." Aniya at hinawakan ang kamay ko.
Ngumiti din ang dalawang matanda. Awtomatikong napatingin ako kay Rafael na seryosong nakatingin sa akin na tila hindi nagugustuhan ang nakikita. Nag iwas ako ng tingin at ngumiti na din.
Naglakad kami patungong pinto nang magkahawak kamay. Gusto kong lumingon. I wanted to turned around and see his face. I wanted to see kung nasasaktan siya sa nakikita niya ngunit nang maalala kong hindi niya ako minahal ay hindi ko na tinangka.
"Where's Odry?" Reige asked me ng makarating papalabas na kami ng ristorante.
"She's in the car, sleeping." Sabi ko nang hindi siya tinitingnan, natatakot na basa niya ang gumugulo sa utak ko.
Nakita ko ang pagtango niya.
"Kamusta ang usapan niyo ni Tita? How is she?" Tanong niyang muli.
"Uh. Ayon, naiistressed kay Daddy." Tanging nasabi ko na lang dahil abala ang utak ko sa pag iisip sa pangyayari kanina.
I have moved on, alright pero iyong lintik na sakit ay bumalik! Iyong nangyari noon ay muling bumabagabag sa aking damdamin. Maraming tanong ang namuo sa aking isipan. Is he married now to Aura? May anak na ba sila? Ilan na kaya ang anak niya?Masaya kaya ang pamilya nila? And is it even normal to ask myself those questions? Do I even care? Of course not! I'm just curious okay? Damn!
Nakarating kami ng kotse at mahimbing parin ang tulog ni Odrea na ngayon ay nakaunan kay manang. Umusod si manang at tumabi ako sa kanila. Dinungaw ko pa ang labas.