Hindi ko namalayan na umiiyak na ako. Thirty minutes na o higit pa ang nakalipas mula noong bumaba si Nathalia ngunit hindi pa siya bumabalik. Pinunas ko ang aking luha at pinili na lang matulog sa gabing iyon.
Days have passed and everything seems normal. Ako lang ata iyong hindi normal pero umaaktong tama.
"Are you ready for tomorrow? May kailangan ka pa ba?" Tanong ni Reige habang nakaupo kami sa veranda ng bahay.
Pinagmamasdan ko ang swimming pool na ngayon ay kumikinang dahil sa mga ilaw. Umihip ang malakas na hangin at nadama ko ang lamig. Nakabukas iyong sliding glass door ng veranda.
Bumaling ako sa kanya at tumango "Yup. Okay na. Don't worry." Ngiti ko.
Bukas ng gabi ay may inihandang party ang Mommy ni Reige para sa kanya, a welcome party sa kumpanya. Hindi iyon na organized agad noon dahil madami agad siyang ginawa noon sa opisina so her mom decided to throw a party for him tomorrow. Mga malalaking tao ang imbitado and of course he's invited too and his family. Bigla ay kinabahan ako. I will see his mother again after a long time.
Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan iyon ng paulit ulit.
I felt guilty. I did not tell him about what happened three days ago. Natatakot ako. Hindi ko alam kung saan ko sisimulan. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin na matagal na may tinatago ako sa kanya and worse tungkol pa sa ex ko. Gusto ko iyong sabihin sa kanya ngunit wala akong lakas ng loob. Iyong lakas ng loob ko ata ay sumama na sa nakaraan ko.
Minsan nga ay naisip ko kung deserve pa din ni Reige ang isang tulad ko? I am not even faithful to him. I even asked myself if I do really deserve his love. Palagay ko ay hindi. I don't deserve any inch of it. Iyong pagmamahal na iyon ay nararapat sa taong tapat at totoo sa kanya. Dapat ay ganoon at hindi ako iyon.
"Are you okay?" Tanong niya nang mahalatang tulala ako sa kawalan.
Ngumiti ako at tumango at muling binalingan ang swimming pool na nakakahalina dahil sa kulay at linis. Gusto ko tuloy mag langoy ngayon.
Alas diyes na ng gabi at tulog na si Odrea. Hindi pumasok ngayon si Reige dahil gusto niya daw kaming makasama ni Odrea. He's been very busy since we came back here. Kanina ay lumabas kaming tatlo at nagpunta sa park kung saan madalas kaming pumunta noong nasa New York pa kami. I missed our bonding moments! Kung pwede ko lang hingin sa kanya na araw araw na kaming magkasama ay nahiling ko na. Hindi naman ako selfish kaya hindi ko iyon gagawin.
Iniangat niya ako pagkatapos ay ipinulupot ang braso sa aking baywang.
"Reige. Paano kung sabihin ko sayo ngayon na may kasalanan ako sayo. Are you willing to forgive me?" Wala sa sariling tanong ko.
Ramdam ko ang paninitig niya sa akin sa gilid ng aking mga mata. Ako naman ay nanatili ang tingin sa swimming pool. Hindi ko siya binalingan.
"Why? May nagawa ka bang kasalanan sa akin?" Humalakhak siya.
Hindi ako nakapag salita. Nanatili akong walang kibo sa tabi niya. Napalunok ako.
"Anong klaseng kasalanan ba iyon? Well, yes I'd forgive you. Kahit ano pa iyan, Sam. Kahit anong kasalanan pa ang magawa mo at kahit ilan pa iyan. I will always forgive you." Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang seryoso niyang mukha sa habang nakatingin sa akin.
Wala akong nasabi. Nangilid ang mga luha sa aking mga mata. Niyakap niya ako at hinalikan sa tuktok ng aking ulo. Napapikit ako at doon ay tumulo ang luhang nagbabadya.
Bahagya siyang kumawala sa yakap at pinakatitigan ako. Nakita ko ang gulat sa mga mukha niya ng makita niya ang luha ko. Kumunot ang noo niya na para bang nagtatanong kung anong nangyayari sa akin.