Kinabukasan ay nagising ako sa katok sa pintuan ko. Kinusot ko ang mga mata ko. Bumangon ako at nagtungo sa pintuan para buksan iyon. Bumungad sa akin si manang.
"Samantha, may nag hinintay sayo sa baba." Sabi nya.
Kumunot ang noo ko "sino po?" Tanong ko.
"Si Rafael. Kanina pa sya dito. Ayaw ka nga nyang ipagising dahil daw ayaw ka nyang maistorbo. Kaya lang dalawang oras na syang nag iintay sa baba" sabi ni manang.
Nanlaki ang mga mata ko. Kumalabog ang puso ko. What the hell? What is he doing here? Tiningnan ko ang orasan at alas 10 na pala. So kanina pa syang 8 dito? Can't believe him!
Tumango ako kay manang "okay po. Pakisabi po na maliligo lang ako." Sabi ko at tumango na lang din si manang tsaka bumaba.
Nag diretso ako ng banyo at nagmadaling maligo. Siguro ay 15 minutes lang ako sa banyo. Kumuha ako ng t-shirt at isang kumportableng short sa aking closet. Sinuklay ko ang buhok ko na malapit na sa beywang ko. Dapat ko na itong ipaputol.
Bumaba ako at naabutan si Rafael na nakaupo sa couch sa living room. Abala sa panonood ng TV. Napatingin sya sa direksyon ko. Tumikhim ako at nagsalita. "Why are you here?" Pagbungad kong tanong sa kanya.
Tumayo sya at sinalubong ako sa paglalakad "Okay ka na ba?" Tanong nya matapos baliwalain ang tanong ko.
Tumango ako "yup. Sumama lang pakiramdam ko kagabe, but I'm fine now. Uh. Thanks" paninigurado ko.
Tumango sya "you sure?" Tumango uli ako. Tumikhim sya bago uli magsalita "mom wants to see you." Sabi nya.
Kumalabog ang puso ko. Oo nga pala! Si Tita, sinabi nga pala nya na pumunta ako sa kanila. Pero bakit ang aga ng isang to?
"Eh bakit ang aga mo?" Sabi ko at tinaasan sya ng kilay.
Nagtaas din sya ng kilay "I thought you were awake earlier dahil maaga kang umuwe kagabe" pabiro nyang sagot.
Tiningnan ko sya ng masama at tsaka inirapan. "Whatever, Rafael. Ano bang oras?"
"Now. She wants you to have lunch with us" sabi nya.
What? Agad agad? Buti na lang at nakapaligo na ako. Kung hindi si Tita ang nagyaya sa akin ay pauuwiin ko ang isang to. Lalo na't naamin ko na sa sarili ko ang tunay kong nararamdaman. Siguro ay mali ang magkasama pa kaming dalawa dahil ayokong malaman nya ang totoo. Dapat ay umiwas ako sa kanya. Pero ayaw kong mahalata nya iyon. Ayokong pag hinalaan nya ako. Dahil isang pagkakamali ko lang ay malalaman nya ang nararamdaman ko sa kanya at ayokong mangyari yon dahil may girlfriend na sya. May mahal na syang iba at masaya na sya.
Tumango na lang ako sa kanya. Napalingon ako sa mga yapak sa hagdan. Nilingon ko iyon at nakita si mommy. Nakabihis ngunit simple lang iyon. Siguro ay wala syang pasok. Sinalubong ko sya at hinalikan sa pisnge.
"Goodmorning ma." Sabi ko.
"Goodmorning Loui." Balik bati nya at binalingan ng tingin ang taong nasa likod ko. "Oh hi Rafael. Goodmorning." Ngiti nya kay Rafael.
Ngumiti din si Rafael pabalik "Goodmorning Tita" lumapit sya kay mommy at nag beso.
"Anong ginagawa mo dito? Kanina ka pa ba?" Tanong ni mommy.
"Uh. Opo. Sinusundo ko po si Loui. Mom wants to have lunch with her." Rafael said and smiled.
Nagulat si mommy sa sinabi ni Rafael "oh really? Basta at iuuwi mo lang ang anak ko" natatawang sambit nya.
Nanlaki ang mata ko "mommy!" Suway ko sa kanya. "Stop it. We'll go now. See you later. Bye" sabi ko at hinalikan uli sya sa pisnge.
"Okay Loui. Rafael, please take care of her" bilin ni mommy.