Chapter Sixty-Four

162 1 0
                                    

"Ready?" I asked Odrea as we got in the car.

She smiled at me and slowly nodded. "I'm so excited, Ma!" Aniya at pumalakpak pa.

Nagkatinginan na lamang kami ni Reige at nginitian niya ako.

This is her first day of school here in the Philippines. I didn't expect her to be as excited as this. Ang akala ko ay sasabihin niya sa akin na kinakabahan siya at natatakot ngunit hindi iyon ang lumabas sa bibig niya imbes ay masayang masaya siya.

But then, she's a sociable and talkative girl. Hindi siya maiilap makipag usap sa classmates niya. She's friendly and I know that she will make a lot of friends in her school.

I remember when I was in elementary. Wala akong naging kaibigan kundi si Joey lang dahil mailap ako sa mga tao noon at si Joey lang ang naglakas ng loob na kaibiganin ako. I suddenly miss her.

Huminga ako ng malalim ng tumigil kami sa tapat ng ADMU kung saan papasok si Odrea. Ito ang napiling eskwelahan ni Reige dahil kaibigan ng mommy niya ang may ari at dito din nag aral si Reige. Wala namang special treatment na mangayayari dahil ayaw ni Reige ng ganoon. Kaya lang siya pumayag ay dahil mabuti na daw iyong kilala nila ang may ari.

Noong isang araw ay nameet namin iyong may principal para sa mga kakailanganin ni Odrea.

"We're here!" Sabi ni Odrea at nilingon ang entrance ng school.

"Let's go?" Ani Reige at lumabas na ng kotse.

Sabay kaming lumabas ni Odrea mula sa back seat. Inayos ko ang maliit niyang uniform na medyo nagulo sa pagkakaupo bago siya binalingan.

"Be a good girl, baby. Okay? I'll pick you up by four." Wika ko.

Hinawakan ni Reige ang aking kamay. Pagkatapos ay binitawan at lumuhod sa harap ni Odrea.

"Goodluck to your first day, daughter." Aniya at hinalikan sa noo si Odrea.

Ngumiti ako sa dalawa. Pumasok kami sa loob at inihatid na sa klase niya si Odrea. Saglit kaming nagpakilala sa teacher at muling nagpaalam kay Odrea bago umalis ng tuluyan sa school.

"Reige, malelate ka sa office kung ihahatid mo pa ako. I can commute-"

Umiling si Reige. Katabi ko siya sa back seat. Tahimik namang nagda drive ang driver.

Malayo kasi ang kumpanya nina Reige sa bahay kaya kung ihahatid pa ako ay malelate siya.

"It's okay. Kung pwede ka namang ihatid ay ihahatid ka na. Kahit malate pa ako, maihatid ka lang ng bahay, okay lang Sam." Aniya at hinalikan ang kamay ko.

Ngumuso ako, hindi alam ang sasabihin. Unti unti akong tumango.

"Dadalaw ako kina mommy mamaya. Doon na ako magpapatay ng oras para masundo si Odrea." Sabi ko.

Simula noong bumalik ako dito ay palagi na akong tinatawagan ni mommy. Bumalik na si Daddy galing L.A kaya madalang niya na akong matawagan.

Mom's not working anymore. Palagi siyang nasa bahay. Dad's not as healthy as before na din kaya madalas ay natitigil si Daddy sa bahay pero dahil matigas ang ulo niya ay nagpupumilit magtrabaho. That's what mommy tells me whenever we talk.

"Okay. I'll tell manong Oscar to drive for you." Aniya.

Tumango ako. Dalawa ang driver nila. Si Manong Oscar na matagal na din sa kanila at iyong nag dadrive ngayon ay anak niya.

Hindi na pumasok sa bahay si Reige. Hinagkan niya ako at binilinang itext o tawagan siya kung may kailangan. Gabi na kasi siya nakakauwi dahil madaming kailangan tapusing trabaho.

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon