Alas dose na akong ng tanghali nagising ng nag linggo. Kagabi ay nag usap kami ni Rafael na hindi muna ako sasama sa pag dalaw kay Sabrina. Mas mabuti pa nga siguro yon.
Agad kong kinuha ang cellphone ko na may iilang mensahe ng mga kaibigan ko ngunit wala doong text kahit isa ni Rafael. Suminghap ako. Binasa ko iyon isa isa habang naglalakad ako patungong banyo.
Joey:
How's Sabrina? Is she okay now?
Kagabi pa ang text ni Joey. Ni hindi ko na iyon narelyan dahil tulog na ako noon.
Nathalia:
Loui. Can I go there? Wala kase akong kasama dito and I have nothing to do today. How's Sabrina by the way?
Ang text na iyon ni Nathalia ay kanina pang 10.30am. Agad ko syang tinawagan. Ilang sandali pa bago nya ito sagutin.
"Hello" mukhang kagagaling lang nito sa tulog
"Nathalia, you wanna go here? Wala din akong gagawin. I'll text Joey, Cassy and Chloe. " sabi ko.
"Okay. Nakatulog ako. Maliligo lang ako then I'll go there." sagot nya at narinig ko ang pagtayo nya sa kama.
"Alright then. Bye." sabi ko at binaba ang tawag.
Tinext ko ang tatlo at ngunit sabi ni Chloe ay hindi sya makakapunta. Aniya ay busy daw sya. Si Joey at Cassy naman ay maliligo na daw.
Naligo ako at nag bihis. Isang white oversized t-shirt at shorts ang suot ko. Bumaba ako at nag diretso ako ng kusina. Kumuha ng pitcher ng tubig sa refrigerator. Kinuha ko ang pitcher at nag salin ako ng tabig sa baso. Tinukod ko ang isang kamay ko sa sink habang umiinom ng tubig. Pag talikod ko sa sink ay halos maibuga ko ang tubig sa bibig ko dahil sa taong nasa harap ko ngayon. Isang nakakapanindig balahibong ngisi ang binigay nya sa akin.
"Nigel?! You scared the shit out of me! What are you doing here?" nanliliit ang mga mata ko ng tanungin ko sya.
Nakangisi pa rin sya "I'm sorry. Napadaan lang ako. I just wanted to check on you." aniya.
Nag iwas ako ng tingin at umurong dahil masyado na kaming malapit sa isa't isa.
Tumango ako "K-kanina ka pa ba? Bakit bigla bigla ka na lang sumusulpot?" inirapan ko na.
Tumikhim sya at naglakad patungong living room. Sumunod ako sa kanya. "Uh yup. 2 hours ago."
"What?! Dapat ay pinagising mo ako kay manang. Kumain ka na ba?"
Umupo sya sa couch at kinuha ang remote para buksan ang TV. Umupo ako sa tabi nya. Binalingan nya ako "I was bored at home. So I decided to visit you." kibit balikat nya.
"You should've texted me, Nigel!"
"Chill. Okay. I'm sorry. You wanna go out?"
Mabilis akong umiling sa tanong nya. "Nope. Pupunta din dito si Nathalia."
Napangiwi sya sa sinabi ko. " E di isama natin-"
"Where are you going?" Isang malamig na boses ang narinig ko mula sa likod.
Nilingon ko iyon at nakita si Rafael na salubong ang kilay at may dala dalang isang bouquet na flower. Nanlaki ang mga mata ko. Nanlamig ang kamay ko. Agad akong umusod palayo kay Nigel at tumayo papunta kay Rafael "R-rafael.."
"Where are you two going?" Nakataas ang kilay nya habang tinatanong ako.
Magsasalita na sana ako nang biglang nag salita si Nigel na ngayon ay nasa likod ko na pala "I'm just asking her to go out."