Chapter Thirty-Eight

170 2 0
                                    

Isang linggo ang nag daan at ganon pa rin si Sabrina. Minsan ay pag kasama ako ni Rafael ay hindi kami nagtatagal ng higit sa isang oras. Lagi namang napapangiwi si Sabrina. Kahit pa nginingitian nya ako ay alam kong mapait iyon at peke. Hindi ko maintindihan.

Si Nigel naman ay minsan ko na lang nakikita. Sa tuwing magla lunch kami ay wala sya. Mas mabuti na siguro iyon.
Nang nag byernes ay niyaya ako nina Loui na mag bar. Wala din naman akong gagawin.

Hindi ko na niyaya si Rafael. Sinabi kong puntahan nya na lang si Sabrina. Nung una ay hindi sya sang ayon dahil gusto nya daw sumama sa akin ngunit kalaunan ay pumayag sya.

"Nathalia and Cassy are already there." Aniya nang sunduin ko sya sa kanila.
Tumango ako. Sumakay sya sa front seat.

"Where's Chloe?" Tanong ko nang makasakay na sya.

Pinaandar ko ang kotse. "I don't know. She's not answering my calls." Sabay irap nya.

Nanliit ang mata ko. That girl is really hiding something. "She might be very busy." Nakangisi kong sambit.

"Yeah. Magtu-two weeks na iyong kj. Ni hindi na nga sumasabay sa atin sa lunch." Mataray na wika niya.

Ilang araw na nga naming hindi nakakasabay si Chloe. Palagi na lang nagmamadali. Ano kaya ang pinagkakaabalahan noon?

"Saan ba tayo?" Tanong ko habang nililiko ang sasakyan palabas ng village nila.

"Fiamma, obviously." Aniya.
Inirapan ko sya at nag drive papunta doon. Ilang minuto pa ay nakadating kami doon. Natatanaw ko na si Nathalia na sumasayaw na kasama si Cassy sa dance floor.

"Loui! Joey!" Halos hindi ko na marinig ang pagbati ni Nathalia dahil sa ingay ng mga sigawan ng mga taong nag wawala dito sa dancefloor.

Maingay na din ang music. Nahagip ng tingin ko sina Ethan at Travis. Travis is here? Okay na kaya sila ni Nathalia? Wala ata ang 'girlfriend' niya? Wala si Lance at Nigel dito. Nagtungo kami sa table kung saan nadoon ang dalawang lalaki. Ngumiti sila sa amin at ganon din ang ginawa namin.

"Loui..." Ngiti sa akin ni Travis.
Lumapit ako sa kanya para mag beso.

"Travis! How are you?" Tanong ko.

"I'm fine, It's been a while!" Aniya ng nakangiti.

"Uh yeah. Hindi ka na nag pakita sa amin eh" ngumuso ako.

Umiling sya at sumulyap kay Nathalia na ngayon ay kasaway na din si Joey. Mabuti na lang at wala pang lalaking umaaligid sa kanila. Tumango na lang ako dahil naintindihan ko naman ang ibig nyang sabihin.

"Where's your girlfriend?" Tanong ko.
Umupo ako sa tapat nya.

Tumaas ang kilay nya at ni shot ang isang shot na nakahain doon sa table. "We broke up..." Simple nyang sagot at ngumisi.

"W-what? Since when? Why did you two break up-"

"Uhm. Should I really have to answer those questions?" Natatawa nyang tanong.

"I-I'm sorry. I'm just curious" sabi ko at nginitian sya.

"We broke up a month ago-"

"Loui! Let's dance!" Sabay hila sa akin ni Joey.

"Wait lang, Travis ah!" Sabi ko at nag padala na sa hila ni Joey.

Binitawan nya ako ng nasa dance floor na kami. "What the hell Joey! Travis and I were still talking!" Irap ko sa kanya.

Ngumiwi sya at inirapan nya din ako pabalik. "Whatsoever" aniya at nag punta doon sa bartender.

Bumalik syang may dalang 2 shots ng tequila. Ibinigay nya sa akin ang isa at kinuha ko naman iyon. Agad ko iyong ininom at napapikit ako dahil sa init na dumaloy sa lalamunan ko. Napailing ako at kinuha ang asin at lemon sa kamay nya. May dumaang waiter sa harap namin at kinuha agad ni Joey ang dalawang shots doon.

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon