Chapter Sixty-Eight

133 2 1
                                    

Hindi ko alam kung paano ko napapaniwala si Reige nang katukin niya ako sa aking kwarto kanina. Hindi ko alam kung naniwala siyang inaantok lang ako at dahil na din sa pag iyak ko kanina kaya ganoon ang aking mga mata. Mabuti na din at umiyak ako kanina gayong pugto na ang aking mga mata pero hindi ganoong kalala katulad ngayon. Nang kumalma ako ay agad akong nagtungo sa C.R para maghilamos ng mukha nang sa ganoon ay hindi masyadong halata ang pagmumugto ng mga mata ko.

Sabay kaming bumaba at naabutan ko doon si Daddy na nakikipagkwentuhang muli kay Odrea. Maging si mommy ay nakikisabay sa dalawa.

"Dad, mom, we go now." Wika ko nang makababa kami sa hagdan.

Nag angat ng tingin sa akin si Daddy bago tumayo. Tumango siya at binalingan ako.

"You wanna come with us to Cebu tomorrow?" Tanong niya.

Nakita kong binalingan siya ni mommy na may halo ng pagtataka.

"You come with me? Bukas? Next week pa ang balak ko." Kunot noo niyang tanong kay Daddy.

Tumango si Daddy. "Yes. I want to take a break." Aniya sabay tingin sa akin.

Ngumiti ako sa kanya at umiling "I can't come, Dad. My school si Odrea." Paliwanag ko at nilingon si Odrea na nakahawak ang kamay kay Daddy.

"It's okay, Sam if you want to come with your family. Ako na ang bahala kay Odrea." Nilingon ko si Reige.

Umiling ako "No, I'm fine. Madami ka din busy ka din. Paano mo pa maalagaan si Odrea?" Sabi ko.

Tumango na lamang siya at nakipagkamayang muli kay Daddy. Dad looked at me.

"We'll talk again when we get back from Cebu next week." Wika niya sa akin at niyakap ako at hinalikan sa ulo.

Nag paalam na kami kina Daddy. Masaya ako at okay na ang lahat sa amin at wala na kaming problema. I'm happy that he finally accepted Reige. Ang akala ko ay habangbuhay ng nakasarado ang puso niya s akin, sa amin ngunit nagkamali ako at ngayon ay napatunayan kong lahat ng bagay na nasira ay maaari pag maayos. Hindi man buo ngunit kahit paano ay naayos pa din. Panahon nga lang ang makakapagsabi noon.

Habang nasa byahe kami ay sinabi ko kay Reige na masaya ako sa nangyayari ngayon. Aniya'y ganoon din siya. Pagdating ng bahay ay nakatulog na agad si Odrea. She must be very tired. Ako naman ay dumiretso sa kwarto para makapagbihis na. Si Reige ay sa private office niya naman tumuloy dahil madami pa daw siyang trabahong kailangang tapusin.

Dahil na din siguro sa pagod kaya mabilis akong nakatulog. Nagising lang ako bigla dahil sa napanaginipan ko. Napatingin ako sa oras at nakitang alas dose na ng gabi. Kinusot ko ang aking mga mata at lumabas ng silid para tingnan kung si Reige ay nasa private office pa niya. Hindi naman ako nagkamali. Nadatnan ko siya doong nagbabasa ng kung ano sa papel. Bumaba ako para magtimpla ng kape. Pagkatapos ay bumalik ako papunta sa kanya.

Naabutan kong humihikab na siya at pagkatapos ay pinilig ang ulo.

"Reige..." Tawag ko.

Nag angat siya ng tingin sa akin. Nakita ko ang isang tambak na mga papel sa table niya. Kumunot ang noo niya sa akin.

"Why are you still awake, Sam?" Aniya at tumayo para harapin ako.

Inilahad ko iyong tasa ng kape sa kanya at tiningnan niya iyon bago kunin.

"Nagising lang ako. Di ka pa ba matutulog? Bukas mo na lang tapusin iyan." Sabi ko.

"I'm fine. Konti na lang ito." Aniya. "Thanks for this, anyway." Dagdag niya at hinalikan ako sa noo.

Ako naman ay napapikit sa ginawa niya. Kahit maghapon na ganoon ang suot niya ay nangingibabaw pa din ang bago niya.

"Now go back to your sleep." Wika niya.

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon