Chapter Eighteen

249 4 0
                                    

Dumaan ang isang linggo at ganon pa rin ang eksena. Palagi pa rin magkasama si Sabrina at Rafael. Palagi ko din silang nakikita sa hallway. Binabati naman ako ni Rafael. Minsan naman ay nagkakausap kami pero hindi na nga lang katulad ng dati na lagi kaming magkasama. Nabalitan ko din na lumipat na ng school si Aura matapos mapahiya sa mga tao. Naaawa ako sa kanya but I think she made the right decision.

"Loui" pag tawag nya sa akin isang araw na makasalubong ko sya sa locker room.

"Rafael" ngiti ko sa kanya.

Magsasalita pa sana sya nang biglang dumating si Sabrina. Napakagat ako sa labi. Nagulat ako ng halikan nya sa labi si Rafael. Agad namang bumitaw si Rafael sa halik nya at tumingin sa akin. Nilingon din ako ni Sabrina.

"Sabrina, this is Louise. Louise, this is Sabrina" pagpapakilala ni Rafael sa aming dalawa.

Nginitian ako ni Sabrina at naglahad ng kamay "Nice to meet you Louise" sabi nya.

Tiningnan ko muna ang kamay nya bago ko inabot iyon. "N-nice to meet y-you too" ngiti ko sa kanya. "Uh. I-I have to go" sabi ko at tumalikod na sa kanila. Narinig ko pa ang tawag ni Rafael ngunit hindi ko na iyon pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Byernes nang gabi ay niyaya ko sina Joey na mag bar. Wala din naman akong gagawin. Sigurado namang nasa trabaho na naman sina mommy.

"Loui..." Nilingon ko ang tumawag sa akin and I saw Nigel's face. Nakangiti.

Ngumiti ako pabalik "Nigel."

Itinuro nya sa akin ang bakanteng upuan at doon ako naupo. Sa mesa ay punong puno ng beer. Nilingon ko ang iba naming kasama na ngayon ay nasa dance floor. Si Chloe, Cassy, Ethan, Travis, Nigel at ako lang ang nakaupo. Si Nathalia at Joey ay kasama si Lance sa pag sasayaw. Napabuntong hininga ako ng maalala si Nathalia. Hindi pa nga pala sya kumportable sa presensya ni Travis. Travis obviously doesn't know nothing. I wonder kung ganon pa rin ang nararamdaman nya kay Nathalia hanggang ngayon. Ngunit napag tanto ko na wala na dahil may girlfriend na si Travis at seryoso sya doon.

"Rafael!" Chloe shouted habang kumakaway. Kaya naman napalingon ako sa likod.

I saw Rafael with... Sabrina, of course! Napatingin sa direksyon namin sina Rafael ngunit diretso ang tingin nya sa akin. Nginitian ko sya ngunit hindi sya ngumiti pabalik dahil nalipat ang tingin nya kay Nigel. Kinabahan ako sa titig na iyon. Ano na naman ang problema ng isang to?

Sakto namang bumalik sa upuan namin sina Nathalia kaya sya na ang tumawag kina Rafael at Sabrina. Tumawag sila ng waiter at nag padagdag ng dalawa pang upuan. Umupo sila sa harap ko.

"Uh. Kanina pa ba kayo dito?" Tanong ko kay Rafael ng mapansin ang paninitig nya sa akin. Tinitigan ko sya pabalik at umiling iling sya. Seriously, what is his problem?

"Nope, actually kadadating lang namin." Si Sabrina ang sumagot at nginitian ako.

Ngumiti din ako ngunit pilit iyon. Ang akala ko ay mataray sya ngunit nagkamali ako. Mabait sya. Ang swerte ni Rafael sa kanya. Kahit may nagawa man sa kanya si Rafael ay napatawad nya ito. Siguro ay dahil na rin sa pagmamahal nya kay Rafael. Naiinggit ako sa kanya ngunit hindi dapat dahil iyon naman ang gusto ko. Iyon naman ang hiniling ko.

"It's been a while, Sab." Nakangiting sambit ni Nathalia kay Sabrina.

"Yea. I still don't know the reason why you decided to leave the group." Wika ni Sabrina.

Natahimik si Nathalia ng ilang segundo bago mag salita "Nagsawa lang ako" tipid na sagot nito at bumaling kay Travis na busy sa pag c-cellphone. Binalik nya ang tingin kay Sabrina at nginitian ito but it was a fake one.

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon