Chapter Twenty-One

239 4 0
                                    

Nang mag lunes ay sabay kami ni Joey na pumasok sa school. Nung isang gabi ay halos dalawang oras akong nasa banyo. Nadatnan ko na lang si Joey na nakahiga sa kama ko na mahimbing ng natutulog habang yakap ang isa kong stuff toy. Kahapon naman ay mag hapon lang kami sa bahay. Hindi kami nakalabas dahil malakas ang ulan.

Naglalakad kami sa hallway ng biglang may tumawag sa pangalan namin ni Joey. Nilingon namin iyon para lang makita si Chloe at Cassy na kumakaway sa amin. Napangiti ako ng makita ko sila. Nag beso kami sa isa't isa.

"Okay ka na ba Loui?" Pag baling sa akin ni Cassy.

Kumunot ang noo ko "Huh? What are you talking about?" Nalilito kong tanong.

Tinaasan ako ng kilay ni Chloe "Di ba you weren't okay last friday, remember?"

Ah shit! "Uh. Y-yes. Sumama lang pakiramdam ko"

Tumango sya at nagsalita uli "By the way where's Nathalia?" Tanong nya at iginala ang patingin.

Hindi pa nga namin nakikita si Nathalia. Hindi naman iyon nale-late? Kung ma-late man sya ay hindi lalagpas ng 30 minutes. Ano kaya ang nangyari dun.

"Hindi ko alam. Tawagan ko." Sabi ko at kinuha ang cellphone sa bulsa.

Tinawagan ko si Nathalia ngunit hindi sya sumasagot. Ano ang nangyari dun? Bakit hindi sya sumasagot?

"Joey? You were with Nathalia last Friday night. Did she say something or something happened that night when I left? " Baling ko kay Joey.

Umiling sya "I-I don't know. D-dumating l-lang yung girlfriend ni Travis. But Nathalia's fine. You don't have to w-worry about." she stuttered.

This girl's hiding something from me. Tumango na lang ako. What the hell really happened? Pero isa lang ang sigurado ko. Nasaktan sya. Pakiramdam ko ay ako si Nathalia. Pakiramdam ko ay iisa ang nararamdaman namin. Masaya para taong mahal namin ngunit malungkot dahil hindi ito sa amin. Bumuntong hininga ako at naglakad. Sumabay naman ang tatlo. Siguro ay mamaya ko na lang tatawagan si Nathalia. Sana naman ay hindi sya mag mukmok sa bahay nya. Nagtxt ako sa kanya at tinanong kung bakit hindi sya pumasok ngunit hindi sya nagreply.

Nakarating kami sa room at wala pa din kahit isang txt ni Nathalia. I'm worried. Hindi iyon ganito. Nagrereply o sumasagot agad iyon sa tawag ko. What the hell happened? I'm gonna check on her later after class.

Pumasok na kami ni Joey sa room. Sina Cassy naman ay diretso rin sa room nilang katabi lang ng amin. Nag quiz lang kami sa english. Hindi naman ako nahirapan dahil hindi naman ganon kahirap ang mga tanong. Ilan pang oras ang lumipas hanggang sa maglunch. Agad kong inayos ang gamit ko at lumabas na ng room kasama si Joey. Tiningnan ko ang cellphone ko para malaman kung nagreply ba si Nathalia ngunit napabuntong hininga ako ng wala ni isang txt galing sa kanya.

Kaya naman ng naghapon at tapos na ang klase ay sinabihan ko si Joey na samahan ako kina Nathalia pero parang nag dadalawang isip pa sya "L-loui, baka na late lang ng gising kaya hindi nakapasok."

"She would answer my damn calls anyway! Anong oras na? Kanina pang umaga ako nagtetxt pero walang reply." Iritado kong sambit.

Ayoko sa lahat ay hindi sinasagot ang tawag ko kapag ganito na. Kahit man lang magtxt sya. Hindi na nag salita si Joey. Wala na syang nagawa ng naglakad ako patungo sa labas.

Agad kong pinatunog ang sasakyan ng makarating kami sa parking lot at pumasok sa driver's seat. Si Joey naman ay umikot para makasakay sa front seat. Paalis na sana kami ng nakita namin sina Chloe at Cassy na tumatakbo papalapit sa amin kaya napatigil ako. Binaba ko ang salamin ng bintana.

"Aalis na agad kayo? Hindi man lang kayo kumain?" Hinihingal na tanong ni Cassy.

Lagi kaming kumakain sa canteen tuwing hapon bago umuwe. Kaya lang hindi ko na iyon naisip ngayon. Kahit sina Chloe ay nakalimutan kong yayain.

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon