Chapter Seventy-Six

160 1 0
                                    

Tumulo ang mga luha ko. Nakatingin lamang ako sa kanya. He was holding a boquet of flowers. Pulang pula ang mga rosas na iyon. I looked at him again and I could feel the pain in his eyes. Nanatili akong nakatayo doon at pinapakiramdaman kung magsasalita ba siya o dapat ay ako na ang magpaliwanag. Sasabihin ko naman sa kanya ang lahat ngunit hindi sana sa ganitong paraan! Shit!

"Uh, I guess I have to... go" binasag ni Nathalia ang ilang segundong katahimikan.

Bumaling ako sa kanya at nakatayo na siya para sa pag alis. Tumango lamang ako. Nagpaalam siya kay Reige bago tuluyang umalis. Ako naman ay nanatiling nakaupo.

Chloe was right. Tama lahat ng kanyang sinabi sa akin. Minahal ko si Reige dahil kahit kailan ay hindi niya ako sinaktan at pinaiyak. Minahal ko si Rafael kahit ilang beses na kaming nagkasakitan.

Suminghap ako. I don't deserve Reige. Rafael either. Ako pala ang nakasakit kay Rafael at ako din pala ang mananakit kay Reige.

Tumayo ako at hinarap si Reige. He looked tired ganumpaman ay lumilitaw pa din ang kanyang kakisigan.

"R-reige-"

"I wanted to surprise you, pero ako pala iyong masusurpresa sa mga narinig ko..." Kalmado niyang wika ngunit may bahid na lungkot iyon.

Napayuko ako at muling tumulo ang aking mga luha.

"I-I'm..." Hindi ko matuloy tuloy ang nais kong sabihin dahil sa aking paghikbi.

Hindi na maampat ang mga luha ko. Bakit ganoon? Hindi pa din nauubos ang mga luha sa aking mga mata? Hindi ba napapagod ang mga ito sa pag iyak? Hindi ba sila nauuhaw sa dami ng tubig na naaalis nila sa kanila?

"C-can we talk in your office?" Tanging nasabi ko.

Hindi pwedeng dito kami mag usap. Nadito ang mga kasambahay at ayoko namang marinig nila ang lahat. Ayoko niyon. Nakakahiya.

Nauna akong tumaas sa kanya at dumiretso sa opisina niya doon. Naupo ako sa upuan na katabi ng table niya doon. Para akong mapapagalitan ng boss ko sa trabaho dahil sa kapalpakang nagawa ko.

Si Reige ay nanatiling nakatayo kung nasaan ang table niya. Tinalikuran niya ako at tumingin sa bintana. Humugot siya ng malalim na hininga. Ako naman ay hindi matigil sa pag iyak. Ang mga luha ko ay patuloy lang sa paglandas kahit anong palis ang gawin ko ay tumutulo pa din ang mga ito.

"R-reige, I-I'm really s-sorry..." Mahinang wika ko sa gitna ng paghikbi.

Hinarap niya ako. May bahid na lungkot sa mukha niya ngunit iyong galit ay hindi ko maaaninag doon. Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri.

"I know that he's your ex boyfriend. Alam ko iyon, Sam." Pauna niyang wika. Nagulat ako sa kanyang sinabi. Nanlaki ang mga mata ko at kumalabog ng husto ang dibdib ko.

Nag angat ako ng tingin at ang titig niya ang aking inabot. How come he knows? Saan niya iyon nalaman?

"H-how... P-paanong..." Hindi ko maituloy tuloy ang aking sinasabi dahil sa gulat.

Huminga siya ng malalim at muli akong tinalikuran. Hindi ko na makita ang ekspresyon ng mukha niya. Pinunas ko ang mga luha kong patuloy pa din sa paglandas.

"Nalaman ko iyon simula nong nag meeting kami kasama doon si Rafael. Mula sa pagkakagulat ng mukha mo at pagkakatahimik mo. I even talked to him the day after. Yes, Sam we talked. At sinabi niya sa akin na mahal ka pa niya. Alam ko ding palagi siyang pumupunta dito sa village natin..." He paused.

Para akong nalagutan ng hininga sa aking mga nalalaman. Ano pa ba ang hindi ko alam sa mundong ito bukod sa problema ng ibang tao at sa paghihirap ng Pilipinas? Ano pa ang hindi ko nalalaman tungkol sa mga taong nakapaligid sa akin?

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon