Chapter Eight

313 1 0
                                    

Dumaan ang mga araw ay ramdam ko na ang mga pagbabago sa akin. Well hindi ko alam kung pagbabago ba iyon o pagbabalik. Simula noong niyaya ako nina Joey na lumabas ay hindi na ako nakaramdam ng takot sa aking sarili. Iyong takot sa kotse.

Minsan ko na lamang din napupuntahan ang puntod ni Matthew. Siguro ay ito ang gusto ng lahat para sa akin. Nakakabuti naman iyon sakin pero hindi ibig sabihin ay gagawin ko ulit ang mga bagay na kinaligtaan ko na noon.

"Nagugutom na ako." Narinig kong bulong ni Joey.

Ilang minuto na lamang naman at matatapos na ang huling subject namin para sa araw na ito. Mamaya naman ay wala kaming teacher dahil may sakit kaya maaga kaming makakauwi ngayon.

Maya maya ay natapos ang lesson at tuwang tuwa naman itong si Joey.

Mabilis niyang niligpit ang kanyang mga gamit. Ganoon din si Nathalia. Ako naman ay dahan dahan. Hindi pa naman ako ganoong kagutom.

"Loui. Mauna na kami sayo sa Cafeteria. Nagugutom na kami. Nadoon na daw iyong iba." Wika sa akin ni Joey.

Nag angat ako ng tingin sa kanya at ngumiti.

Napailing na lamang ako.

"Okay." Sabi ko at nagpatuloy sa pagliligpit.

Umalis sila at naiwan akong mag isa doon.

Nang nailigpit ko na ang mga gamit ko ay lumabas na din ako ng room.

Nang makalabas ako ay napamura ako ng may bumangga sa akin. Sa sobrang lakas ay napaupo ako sa sahig.

"Shit!"

"I'm sorry, miss. Hindi ko sinasadya." Wika sa akin ng isang boses ng babae.

Nag angat ako ng tingin. Bumungad sa akin ang mukha ng isang babae. Ang buhok niya ay hanggang balikat at humahampas ito sa kanyang mukha dahil sa hangin.

Naglahad siya ng kamay. Tiningnan ko iyon ngunit hindi tinanggap.

Tumayo akong mag isa.

"Sa susunod, tumingin ka sa dinadaanan mo para hindi ka nakakabangga ng ibang tao." Wika ko at nilagpasan siya.

Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Kainis! Kung saan saan kasi nakatingin!

Dumiretso ako sa Cafeteria at nakitang kumakain na ang mga kaibigan ko. Nakita kong kumakaway sa akin si Cassy kaya naman lumapit ako sa kanila.

"Why you took so long?" Joey asked.

"I bumped into someone..." Wika ko.

Tumango lamang sila at parang hindi interesado sa sinabi ko. Umirap ako at akmang oorder nang may tumawag sa pangalan ko.

Lumingon ako at nakitang si Nigel iyon. Nakangiti siya sa akin habang papalapit.

"Louise..." Ngiti niya sa akin.

"Oh, samahan mo nga akong umorder." Sabi ko.

"Sure thing." He said pagkatapos ay nauna pa sa akin sa counter.

Umorder ako ng burger and fries at juice. Siya naman ay walang binili.

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon