Nakapikit kong pinatay ang alarm dahil antok na antok pa ako. 5.00am pa lang kaya naman nakatulog uli ako. Nagising ako dahil sa pag tunog ng cellphone ko. Bahagya ko iyong sinagot nang hindi tinitingnan ang tumawag dahil nakapikit pa ako.
"Loui! Where are you?!" Pabulong na sagot ni Joey.
"Hmm? Inaantok pa ako. Ang aga mong mang gising..." Mahina kong wika.
"What the hell, Loui! It's 8am in the morning and you're already late!" Aniya.
Minulat ko ang mga mata ko at nanlaki ito. Napabalikwas ako sa kama at inilayo ng konti ang cellphone sa tainga para makitang 8am na nga ng umaga! Holy shit! I'm late!
"Oh my god! May quiz pa naman tayo sa english!" Sabi ko at sabay hampas sa kama.
"You're dead. Strikto pa naman ang isang to. Hindi ka nya bibigyan ng special exam knowing her. Bakit ka ba kasi na late-"
"Miss, Montellano! What are you doing? Are you using your phone during my class?" Kinig kong sigaw ng teacher namin sa english.
Oh shit. "U-uh. No ma'am-" sabi ni Joey sabay patay ng tawag.
Lagot ako. Paano yan? Oh my god! Dali dali akong naligo at nagbihis saka bumaba. Nang nasa hagdaanan ako ay bahagya akong napaatras sa nakita ko. Nakita ko si Rafael na nakaupo sa couch kasama nina mommy na umiinom ng kape habang nag uusap. What the hell is he doing here? Hindi rin ba sya pumasok?
"Goodmorning baby!" Nakangiting bati sa akin ni mommy ng nakitang natigilan ako sa may hagdan.
Bumaba ako at nginitian din si mommy. Nilapitan ko sya at ni kiss sa pisnge "goodmorning ma. Bakit di nyo ako ginising. Late na ako!" Sabi ko. Binalingan ko si Rafael na ngayon ay nakatingin na din sa akin at ngumisi. "And you! Why are you here? Bakit di ka pumasok?" Tinaasan ko sya ng kilay.
"Eh kase akala ko hindi ka na talaga papasok" sabi ni Mommy.
Binalingan ko uli si Rafael. Tinaasan nya din ako ng kilay "I was already late too." Sabi nya at ngumisi na naman.
Oh please. Stop it. "Paano ka malalate eh kanina ka pa ata dito?!" Naiirita kong tanong.
"7.40 na ako nakadating dito, Loui. I didn't want to wake you up, so-" sabi nya at binalingan si mommy na ngayon ay ngiting ngiti na din.
"Urgh! May quiz ako ngayon sa english! Hindi non ako bibigyan ng special exam-"
"Nakatawag na ako sa school Loui. Sinabi ko na hindi ka makakapasok." Wika ni mommy at tumayo "I'll go upstairs. By the way, I'm going to meet your mom, Rafael" nakangiting pag baling ni mommy kay Rafael.
Nanlaki ang mga mata ko "why?" Tanong ko.
"Last time, hindi kami natuloy because I was busy. So... we decided to meet later. Para na din makapag prepare sa birthday ni Rafael mamaya" sabi ni mommy at binalingan si Rafael.
Tumango ako. "Ano naman gagawin ko sa bahay ngayon?" Tanong ko at umirap sa kawalan.
Nagkibit balikat lang si mommy "Malelate na ako. Bahala na kayong dalawa. Happy birthday, again Rafael" ngiti ni mommy kay Rafael.
"Thanks po" sagot ni Rafael at ngumiti din.
Nagtungo na sa taas si mommy at binalingan ko naman si Rafael. "You know what? You can go home now. I'll stay at home." Pag tataboy ko sa kanya.
He pouted "I just want to be with you today, on my birthday. Can't I?" Tanong nya.
"Ang corny ah! Tss." Sabi ko sabay irap.