Chapter Sixteen

286 5 0
                                    

Hindi ko ugali ang makialam sa problema ng iba. Nakikialam ako pero sa mga magulang at kaibigan ko lang. But then, I realize, I am Rafael's friend. Kailangan nya ngayon ng isang kaibigan. Kailangan nya ng mapag sasabihan. Ngunit naisip kong hindi ako iyon. Hindi ako ang kailangan nya. Dahil kahit ako ay nasaktan ko sya.

Naglalakad ako sa hallway ng may marinig ako.

"May nag pasa daw kay Sabrina ng picture. Si Rafael nakikipag halikan sa ibang babae"

Napalingon ako sa babaeng nag kekwento. What the?!

"Sino daw yung girl?" Tanong ng isa.

"Walang may alam. Nakatalikod yung babae. Pero parang familiar sya huh"

Gusto ko mang malaman lahat ngunit tumigil sila sa pag kekwentuhan at biglang namutla habang nakatingin sa likod ko. Nung una ay akala ko ay ako ang tinitingnan nila pero nang nilingon ko ay nagulat din ako. Pulang pula pa rin ang mga mata nya at namamaga ito. Kitang kita ko ang galit at sakit sa mata nya. Naaawa ako sa kanya.

"Kung mag c-chismisan kayo, siguraduhin nyong hindi ako yung makakarinig. Kung ayaw nyong putulin ko yang dila nyo!" Mariin nyang sambit.

Tumayo ang mga babaeng kanina ay nag k-kwentuhan at mabilis na umalis doon. Nang lingunin ko uli si Sabrina ay nag simula na syang maglakad ulit.

Kahit hindi ko naranasan ang maloko ng taong mahal mo ay alam kong sobrang sakit noon. Doble pa sa saya na naramdaman mo nung kasama mo pa ang taong mahal mo. Kahit ako ay hindi ko mapapatawad si Rafael kung sa akin iyon nangyari. Siguro ay hindi ko iyon makakalimutan.

Dumiretso ako sa canteen at nakita doon ang mga kaibigan kong nag tatawanan habang kumakain ng lunch. Lumapit ako sa kanila. Tumabi ako kay Joey.

"What's happening?" Tanong ko

May hawak si Nathalia ng cellphone na tila may tinitingnan doon. Kinuha ko iyon at nanlaki ang mga mata ko.

"What the hell, Loui?! Akin na nga yan!" pag angal ni Nathalia.

Hindi ko iyon pinansin at tiningnan ang picture. Naka upload ito sa group ng school namin. It's Rafael, kissing a girl. Madilim iyon ngunit kitang kita ang mukha ni Rafael. Nakatalikod ang babae sa camera ngunit pamilyar ito. Kulot ang buhok nito na hindi naman kahabaan.

Don't tell me...

"You know her?" Joey asked.

"Oh my god!" Pasigaw kong wika at napahawak sa bibig.

"What's with you, Loui? Nababaliw ka na ata!" Tawa ni Joey.

"I-I know this girl. This is Aura. Aura Sanchez. Rafael's ex."

Kahit sila ay nabigla din sa pag kumpirma ko.

"Oh my god. That bitch. Ang landi ah. Alam na ngang may girlfriend lalandiin pa nya. Gosh." Galit na sambit ni Chloe na parang sya ang niloko.

"Joey..." Pag tawag ni Nathalia kay Joey at binalingan ito sabay kindat.

Sa galaw nya ay alam kong may binabalak sya. Tiningnan ko si Joey na ngayon ay nakangiti na rin at tila sumasang ayon kay Nathalia. Binalewala ko na lang iyon dahil alam kong hindi ko sila mapipigilan. Hindi ko na din sila tinanong kung anong balak nila.

Kinabukasan ay tinawagan ako ni Joey.

"Best, where are you?" Pagbungad nyang tanong saakin.

Siguro ay nasa school na ito dahil naririnig ko ang iilang sigawan ng mga babae. Siguro ay nasa soccer field ang mga ito o di kaya naman ay nanunuod ng practise ng basketball.

Falling in love againTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon